*First meet*
[TerrencePOV]
Di ko pa rin makakalimutan yung nangyari kanina. Kumain lang naman kami ni Stella, magkasama ha. Eto siguro yung feeling na may ka-date.
Kahit alam kong hindi naman yun date, illusion ko lang. Libre lang namang mangarap diba?So eto na nga, nakauwi ako ng bahay exactly 7:30 ng gabi. Eksakto kasi pagdating ko, nakaprepare na ang hapunan. Mother's love is great love indeed. Salamat ma!
"Anak, magbihis ka na at kakain tayo."
"Sige ma, susunod ako"
Pagkatapos kong magbihis ay dumeretso agad ako sa dining table.
Para sa kaalaman ng lahat, single mother po ang nanay ko. Matagal na pong wala si papa, mahigit walong taon na. 10 years old lang ako nun nung nawala si papa.
Kaya si mama na ang mag-isang nagtaguyod saken."Anak, kamusta naman ang first day mo?"
"As usual, okay lang naman ma. Medyo
tambak kami sa assignments ngayon kahit first day pa lang."
"Sus! Kayang-kaya yan ng anak ko!"
"Yes naman! hayaan mo ma, kahit anong mangyari, hinding-hindi ko pababayaan ang pag-aaral."
"Syempre anak, alam kong gagawin
mo lahat para sa ikabubuti ng future mo."
"At isa pa, pupunta pa tayo ng Europe, ipapasyal kita dun ma! tapos nakasuot pa tayo ng sosyal na winter coat! at ma, nakaboots ka pa. Oh diba?"
"Anak ko talaga oo, salamat talaga nak ha? Ikaw lang talaga ang isang rason kung bakit sa kabila ng lahat ay masaya pa rin ako."
Niyakap ko si mama ng kay higpit.
"Don't worry ma, kahit anong mangyari, andito lang ako palagi."-
Kinabukasan, (as usual kasama na naman kami ni Patrick), naglalakad kami sa
hallway sa campus nang biglang
nakasalubong namin si Stella."Hi"
"Hello," sabi ko.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Patrick
"Oo, classmate ko siya."
"Hi, I'm Patrick. Patrick Santino."
"Stellar Shine Medina, Stella for short."
"Ngayon lang kita nakita sa campus? Matagal ka na ba dito?"
"No, kakatransfer ko lang the other day."
Teka lang, parang na-o-op na ata ako dito
"Diba may pupuntahan ka pa?" sabi ko kay patrick. Yung alam mong magkaibigan
kayo kahit nagkatinginan lang
alam na agad ang meaning.
"Ay oo, may pupuntaha-aa-han pala ako, sige Terrence, Stella, mauna na ko." at nagwink pa siya saken.
So kami na lang dalawa ni Stella.
I started the convo,
"So, how's your first day?"
"Okay lang. Nakakaadjust naman ako."
"Good. good to hear that."
"Salamat sa treat kahapon. Nakakahiya, nilibre mo pa ko.. hmm
I can treat you lunch.""No, it's okay. Nakakahiya nga kasi sa Mcdo pa kita niyayang kumain." sabi ko
"No, don't get me wrong pero.. kahit
iba yung social status ko sa mata ng
tao, I still want to live a normal life. And
I love fastfood."
"Ahhhhh..nice."
"So, lunch?"
Tas ngumiti ako, "sure, lunch."
"Let's go?"
"Ah yes, sige."Syempre studyante kami, kahit alam kong gusto ko pa siyang kausapin, we need to
attend classes. I mean, long hours of lecture. Syempre, sabi nga nila, "aral muna bago landi." True naman.Kaya ayun, sa ilang oras na paghihintay na maglulunch time, ay nagdismiss na rin.
Lahat ng mga classmates ko nagsilabasan na't kanya-kanya ng trip to make use of the free time. Pero ako, eto naghihintay kay Stella dahil maglulunch lang naman
kaming dalawa To-ge-ther. Together.Nung lumabas na siya ng room, biglang ewan ko, parang nakakadistract na naman ang beauty niya. Pero syempre
di ko pinapahalata sa kanya.Ngunit naudlot ang happiness ko dahil
yung epal kong friend na si Patrick ay sumama saming dalawa."Iba ka Terrence ah, dumadamoves ka pala sa mga bagong studyante."
"Shut up ka nga. Ang ingay mo."Habang kumakain kaming tatlo sa cafeteria. Napansin kong medyo malungkot si Stella.
"Uy, may bagong movie na showing this weekend."
sabi ni Patrick.
Si Stella walang imik.
"Eheem. Ahh anong klaseng movie naman?" sabi ko kahit di naman ako interesado.
"Suspense horror. Mabuti pang manuod tayo. Ano sa tingin niyo?"
"Ikaw, Stella?" Sabi ko.
"Ah ewan. I don't know if I can. "
"Bakit naman? Bawal ba? Mahigpit ba parents mo?" tanong ni Patrick.
"No. Hindi,..hindi sila strikto saken."
"Eh ganun naman pala e, sama kana samen!" sige Patrick, e-encourage mo pa.
"Sige, sure. Sama ako."
And so, she agreed.
"So, sama ka rin Terrence? Ay oo nga pala. No need to ask you, alam ko na sagot mo. HAHAHA."
"whatever Patrick."Nung matapos na breaktime namin, bumalik na agad kami sa classroom, except for Patrick na nasa ibang section.
Tahimik lang sya. Ako naman nagtatakak bakit nag-iba ang aura nya.Kahit nung uwian di na sya nagpaalam. (Eh sino ba naman ako para kausapin nya?)
"Okay ka lang ba pre? Kanina ka pang tahimik dyan. "
"Eh palagi naman akong tahimik. Di ako maingay tulad mo."
"Oo na, oo na. Kaya lang kasi, kanina pa ako nagkwekwento, di ka naman nakikinig."
"Wala akong balak makinig sa mga kalokohan mo Patrick."
"Kahit tungkol kay Stella?"
"Bakit, anong nangyari kay Stella?"
"HAHAHA basta babae ang active mo no?"
"Tss. Di no. Ewan ko sayo."
"Talaga lang ah. Ang lakas ng radar ko e. Kahit nga natatae ka.. . Ooops hahah
"Shhhh can you please be quiet for once"
"alam na alam ko na agad hahahaha ""Hay naku makauwi na nga."
"Wait lang pre to naman galit agad. LQ?"Di ko na sya pinansin puro kalokohan lang kasi tong epal na to e.
Until now, I can still see her gloomy face im my mind.
Ano ba talaga nangyari Stella?
--
YOU ARE READING
Letters to Sky Perez
RomanceIsa po itong kwento about love. If you want to know the whole story, WAG MONG BASAHIN. HAHAHA! De joke lang, feel free to read. As of this moment, on-going pa lang since first time ko magsulat. Nasa experimenting mode pa ako ngayon. Ganoin! Oh s...