2- Meet the Ideal Guy

272 10 3
                                    

"Nakakatakot naman ang skin disease na 'yan." komento ni lola Zeny sa balita.

"Baka hindi naagapan kaya nagiging epedimic, kawawa naman ang mga taong nasa rural district dahil malayo sila sa mga hospital doon at mahihrapan silang makukakuha ng proper medication at dagdag na fatal ang skin disease na 'yon kapag lumala." Aniya.

"Tita Gelma, magkakaroon din po ba ng ganyang sakit dito sa atin? Natatakot po kasi ako sa hitsura ng mga taong may gano'n." ani Lucky, na mabilis niyang ikinailing.

"Masyadong malayo ang South America sa atin, at may quarantine o susuriin ang bawat pasahero sa mga airport sa US, kaya bawal lumabas ang mga taong infected at doon lang sila sa bansa nila para magpagaling." Aniya.

"Paano po tita kung may nakalusot na isang tao na may gano'ng sakit, na hindi alam ng mga tao sa airport?" tanong uli ni Lucky.

Mabilis ginulo ang buhok nito at natawa. "Huwag mong masyadong dinidibdib ang mga napapanood mo, napaparanoid ka tuloy." Aniya sa matalino at matanong na bata.

"Tita, 'di ba you're a doctor, kaya mo din bang gamutin ang mga taong may sakit tulad ng mga nasa TV?" muling tanong nito.

Hindi siya nakasagot sa bata kaya mabilis siyang sinalo ni Lola Zeny. "Matulog ka na, Lucky, dahil maaga ka pang gigising bukas."

Nagkamot ng ulo ang bata. "Lola, wala po akong pasok bukas dahil sabado." Reklamo nito.

"Oh, bakit? Hindi ka ba sasama sa amin ng tita Gelma mo sa palengke bukas? Ikaw lang ang mag-isang maiiwan dito sa bahay." ani Lola.

Umiling-iling ang bata at agad nang tumayo sa kinauupuan nito. "Matutulog na po ako lola, tita, good night na po." anito, saka nakangiting humalik sa mga pisngi nila ni Lola Zeny bago tuluyang pumasok sa kuwarto nilang dalawa; magkatabi kasi sila ng bata dahil ayaw niyang napupuyat si lola Zeny kapag may kailangan si Lucky sa disoras ng gabi.

"Good night, Lucky!" magkasabay ding sabi nila ni lola Zeny, nang makapasok ang bata sa loob ng kuwarto ay pareho silang natahimik ng matanda bago uli ito nagsalita. "Ayos na kami ngayon ni Lucky, Gelma, huwag mong isipin na kasalanan mo ang nangyari at hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit sila maagang nawala sa amin. Hindi mo kami responsiblidad ni Lucky, maaari ka nang bumalik sa dating ikaw." Anito.

Ngumiti siya sa matanda. "Ako din po lola, inaantok na, good night na po." nakangiting pag-iiba niya nang usapan, saka niya ito niyakap nang mahigpit bago tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto kung nasaan si Lucky.

"ALING ZENY, ang ganda-ganda naman nitong anak n'yo, wala pa ba siyang balak mag-asawa para mabigyan ng ama itong anak niya?" tanong ng isang mamimili kay lola Zeny, na tinutukoy si Gelma.

Hindi rin tuloy napigilang matawa ni Gelma katulad ng matandang nasa tabi niya. Mas lalo siyang natawa nang si Lucky ang sumagot sa tanong ng babaeng namimili.

"Hindi ko po mommy si Tita Gelma, tita ko lang po siya, ang mommy at daddy ko po ay nasa heaven na kasama ni God." Paliwanag ng bata. Hindi sila sumagot ni lola Zeny nang nagtatakang hindi na nagsalita ang babae at pagkatapos nitong makuha ang sukli sa matanda ay umalis na din. "Tita Gelma..."

Bumaling siya kay Lucky. "Bakit hindi ka pa po nag-aasawa? Sabi ni lola ay mas matanda ka pa daw sa edad ng mommy at daddy ko." Anito.

Nakita niyang kinalabit ni lola Zeny ang bata at umiling. Pinigil niyang mapangiti sa mga ito. Thirty years old na kasi siya at sa kasamaang-palad ay walang boyfriend o manliligaw, simula nang makipag-hiwalay sa kanya ang boyfriend niya of two years dahil sa kakulangan niya ng oras dito, a year ago, ay hindi na uli siya pumasok sa isang relasyon dahil alam niyang magiging unfair na naman siya dahil sa pagiging workaholic niya. Palibhasa ay nasa magkaiba silang propesyon ng ex-boyfriend niya kaya mahirap magkaintindihan, lalo na sa part ng lalaki.

Nakilala niya si Jon dahil sa isang mutual friend, kinuha nito ang number niya, naging textmates to friends to lovers. First boyfriend niya ito since masyado siyang abala noon sa pag-aaral niya, kaya kahit may mga nanliligaw sa kanya ay hindi niya mabigyan nang panahon. Priorities first ang laging nasa isip niya. Magkasundo sila ni Jon ngunit mas madami silang hindi napagkakasunduan, na pinilit niyang intindihin dahil mas bata ito sa kanya ng isang taon, ngunit sa huli ay natapos din sila dahil pagod na daw itong umintindi sa kanya.

Ang sakit nga dahil nagkasabay-sabay ang pagdating ng problema sa kanya no'ng huling taon, na muntik nang tuluyang ikawasak ng pagkatao niya.

Nainggit nga siya sa mga magulang ni Lucky, na mas bata ng tatlong taon sa kanya, dahil kahit sa kabilang mundo ay magkasama pa rin ang dalawa, at ngayon sa paradise na ipagpapatuloy ang forever.

"Dahil hindi pa nahahanap ni tita ang lalaking makakapagpatulala sa kanya dahil sa kaguwapuhan ng kung sinumang lalaking 'yon." nakangiting biro niya sa bata.

"Ano pa po ba ang gusto mo sa isang lalaki para mahanapan po kita?" dagdag pa ng bata na ikinatawa hindi lang nilang dalawa ni lola Zeny, kundi pati na rin ang mga kasamahan nila sa palengke.

Ngumiti siya sa bata at napatingala sa kisame ng palenge, na kunwari ay nakatingala sa kalangitan. "Gusto ko ng mas matangkad sa akin," matangkad kasi siya dahil five feet and six inches ang height niya. "Mala-Thor ang katawan para maipagtanggol ako sa mga bad people, nakasalamin para mukhang matalino, may nunal sa cheekbone at maganda ang mapupulang mga labi." Nakangiting sabi niya, d-in-iscribe lang naman niya ang ultimate crush niya since college days na si Piolo Pascual.

"Sige tita, hahanapin ko ang lalaking 'yan at kapag nakita ko siya, i-invite ko siya sa bahay para mapag-usapan na ang kasal n'yo po." Anang bata, na muling nakapagpatawa sa lahat.

Hapon na nang mapaubos nilang lahat ang mga paninda nilang karne sa palengke, naging lucky charm nila si Lucky dahil maraming mga mamimili ang natuwa sa bata dahil sa pagkanta-kanta nito, na dati siya ang gumagawa para makatawag pansin, nagmana na nga daw yata si Lucky sa galing niya sa pagkanta.

Sinamahan muna nilang umuwi si lola Zeny bago sila nagtungo ni Lukcy sa grocery store sa Mall, ubos na kasi ang food stocks nila sa bahay kaya kailangan na nilang mamili. Tulak-tulak niya ang cart noon habang si Lukcy ang tagalagay ng mga itinuro niyang mga bibilhin.

"Lucky, ano'ng gusto mong ulam? Spicy chicken o chicken nuggets?" tanong niya sa bata.

"Spicy chicken po tita, masarap po kasi 'yong kinain nating binili mo dito sa mall dati." Anito, na tinanguan niya. Sa meat section sila nagtungo dahil doon niya binili ang ready made na spicy chicken, ngunit nakita niyang iisang supot na lang 'yon dahil madalas naka-kilo na 'yon kapag ibinibenta, kaya naglakad sila ni Lucky palapit doon habang tulak-tulak ang cart.

Akmang aabutin na niya ang nakasupot na spicy chicken nang may mabilis namang kumuha n'yon. Napatingin silang sabay ni Lucky sa taong kumuha nang dapat ay kukunin niya. Ngunit saglit siyang napatulala nang makita niya ang lalaking may hawak ng nakasupot na spicy chicken.

"Nakatulala si tita dahil sa kaguwapuhan—check, maganda ang katawan para maipagtanggol siya sa bad people—check, matangkad—check, maganda at mapupula ang mga labi," nagulat ang lalaking nasa harapan nila nang hilain ni Lucky ang laylayan ng suot na t-shirt ng lalaki para makita ang mga labi nito. "Check," saka nag-excuse si Lucky para yumuko ang binata para makita kung may nunal ang matangkad na lalaki, nang makitang may nunal ito sa pisngi ay napapalakpak ang bata. "Check na check!" sigaw pa nito.

Oh, my God! Napapailing na sabi niya. With a twist pa dahil may pagka-chinito ang mga mata ng lalaki ngunit super bagay sa maamo at guwapo nitong mukha.

"What's the problem, little boy?" nagtatakang tanong ng guwapo at matangkad na lalaki kay Lucky.

Ngumiti ang bata at umiling. "Gusto po kitang i-invite sa bahay namin para pag-usapan ang kasal n'yo ng tita Gelma ko." Sagot ni Lucky, saka ito mabilis na humawak sa kanyang kamay at inabot ang kamay ng lalaki at pinaglapat ang mga 'yon. "Tara na po!" masayang sabi nito.

Contagion (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon