EBTIT - Capable

157 6 2
                                    

NATHALIE'S POV

"Sigurado ka ba bes? Baka makatay ka sa loob?",natatawang sambit ni Chelsea sakin habang humihigop ng Iced Tea, nasa Parking kasi kami ngayon ng bago 'kong eskwelahan. Hinatid nila ako, at eto nga sila ngayon, tinatakot ako. Ganyan talaga kami, 'di sila marunong magdrama eh.

"The school looks fine for me naman guys eh, no worries.",nakangiting sambit ko habang nakatingin sa gate ng school. Sosyales

"It has mumu's in there. Awooo~",sabi naman ni Lorraine with matching hand gestures pa

"What do you mean, mumu? A cow?",nagtatakang sabi ni Chelsea

"Mumu, ghosts. Gaga ka talaga, Chels",natatawang sambit ni Lorraine sakanya

"Aba malay ko ba. It's the same thing. Mooooo~",sabi naman ni Chelsea na ginawa pa ang tunog. Kahit kailan talaga ang mga 'toh, atleast nabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Iba talaga sila. They can always make me smile.

"Girls, I need to pee. Wait here, okay?",sabi ko sakanila at naghanap-hanap ng restroom. Putakte, asan na ba restroom nila dito? Ghaad, mukhang sasabog na ang bladder ko pero di'ko parin mahanap. Asan na kasi restroom nila dito? Lumingon-lingon ako at nasa left side ko lang pala. Ba't kasi ang liit ko at di ko nakita yung naka-sabit sa taas? Ugh.

At dahil nga sasabog na ang bladder ko, nagmadali akong naglakad papunta sa Girl's restroom. At kapag minamalas ka nga naman, may bumangga sa'kin na lalaki. Ang tangkad na, hutanerns. Badtrip naman 'oh. In no time, baka sumabog si bladder.

"Are you really that blind, huh?",pagtataray ko sakanya at tumayo. How ungentleman this guy is, hindi pa ako tinulungan na tumayo. Ganito ba ang mga lalaki dito? WOW! I'M REALLY THAT IMPRESSED. -_-

"Sorry miss. Didn't see you coming.",sabi niya, take note, hindi sincere. Parang nang-iinis yung boses niya.

"Oh c'mon miste--",hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi ang gwapo ni Kuyang chinito na nambangga sa'kin. Starstruck ba kamo? Oo, pwede. Kasi naman, ang gwapo-gwapo niya, take note, chinito pa. Ang lakas ng appeal. 

"What were you sayin'?",sabi niya nung napansin niyang natigilan ako sakanya. Grabe, ang gwafuu ng lalaking 'toh. Sayang nga lang, ungentleman. Pero ang gwapo niya talaga. Ang cool niya pa ha? Hindi nakakabawas ng points ang pagiging walking stick niya. Pero seriously, may laman naman siya eh.

"H-ha? W-wala, wala! Next time, tingnan mo naman ang dinadaanan mo. Oh kaya, baka naman nasobrahan ka na sa kasingkitan mo at wala ka ng makita?",sabi ko sakanya at umirap. Tch, tumakbo na ako papuntang restroom at 'dun umihi. 

Pagkatapos, bumalik na ako kung saan ko iniwan sina Chelsea at Lorraine. At kahit hindi ako malapit sakanila, rinig na rinig ko ang mga boses niya. Ang ingay nila, sobra. 

"Ghaad, they're so gwapo",kinikilig na sabi ni Chelsea

Ha? Gwapo? Sino at saan? Wala namang tao dito ah? Baliw na ba sila? 

"Magta-transfer na talaga ako dito, omoo.",Lorraine

"Not yet sure, gaga.",sambit naman ni Chelsea, magsasalita pa sana sila nung nakita nila ako. Buti naman 'noh?

"We'll make kwento to you, Nathalie. May gwapo naman pala dito eh. Not just one, but three!",sabi ni Lorraine

"Yeah. Oxygen please.",kinikilig parin na sabi ni Chelsea. Baliw na ata sila?

Every Breath That I Take [JERNELLA]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon