General POV
♪ tugs! tugs! tugs! ♪
1:14am..
Guilly's..
"Cheers for our success guys!"
sigaw ni Anne habang nakataas ang kamay hawak ang isang baso ng champagne. Nakapalibot naman sa kanya ang mga kaibigan. (namely Billy, Vice, Vhong and Karylle.)
"Cheers!" Sabay sabay naman nilang tugon kay Anne habang tinataas ang kani-kanilang glass of champagne.
"Thank you guys sa lahat ng effort niyo kahit mahirap sa simula at madaming aberya, we still managed to made this happen. Super thanks Vhongskie, Billy, Vice and K! I love you forevs!!" pagdadrama ni Anne.
"Wooh I love you too! I mean, we love you too!! group hug!!" Vhong shouted.
At nag group hug na nga ang magbabarkada.
.
.
.
.
.
.
.
.
It was truly a happy night. A victory party for their success. Hindi maawat ang sayawan, tawanan, at harutan ng magbabarkada. Para silang nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag. Kitang kita ang ngiti sa mga labi nila habang ineenjoy ang gabi. But not for the other two, Vice and Karylle.
Kitang kita na simula pa lang tahimik na ang dalawa at ni hindi nagtatabi, nagtitinginan o nagkikibuan man lang. Lalo na si Vice na pilit na ngiti lang ang tugon sa mga nangyayari. Ibang iba ito sa totoong personalidad niya.
.
.
Kilalang maingay at magulo si Vice pag kasama ang mga kaibigan. Lagi siyang pasimuno ng mga kalokohan at kabaliwan sa grupo kaya't nakakapag takang tahimik siya nung mga oras na yun.
Mababakas sa mukha niya na may malalim siyang iniisip, dahil kahit kulitin siya nila Billy at Vhong di niya ito pinapatulan at panay sarkastikong ngiti lang ang binibitawan niya.
.
.
Tahimik lang naman talaga si Karylle. Minsan, di nila alam kung nagegets ba nito ang mga pinaguusapan dahil sweet na smile lagi ang nangingibabaw dito at sanay na sila doon. Dalagang pilipina kasi ang datingan niya, na halos kabaligtaran naman ni Anne na sobrang ingay at napaka hyper lagi at animo'y nakalulon ng megaphone at crying cow na paputok sa lakas ng boses.
Kahit alam nilang lahat na tahimik talagang tao si Karylle, madaling nahahalata kung may pinagdadaanan siya, dahil kitang kita ito sa mga mata niya kahit di siya magsalita.
Halatang malalim ang iniisip ng dalawa at alam na alam yun ng mga kaibigan nila dahil sa totoo lang, sila talaga ang sobrang close sa grupo. Di sila mapaghiwalay noon at parang may sariling mundo nga pag nagsama. Kaya sila Billy na rin mismo ang gumagawa ng paraan para mawala ang tensyong bumabalot sa mga ito nung gabing yun. Dahil after all, magkakaibigan sila at victory party naman nila yun and hindi lamay ni kuya kim. (peace)
samantala...
.
.
.
.
Habang paupo na sa pwesto nila ang magbabarkada, agad namang nagsalita si Anne ng malakas na parang lalamunin ang lahat ng tao sa bar.
BINABASA MO ANG
Endless What ifs. (a ViceRylle story)
RomanceWill you just let her be, Your Could've been? Should've been? but never was, and never will be?