chapter 1

2 0 0
                                    

"troy!" tawag ko sakanya habang humahakbang papalapit sakanya. Nagpaluto ako ng adobo dahil ang sabi nya e paborito nya daw ito kaya nagpaluto ako kay manang.

ng lumingon sya at nakita ako ay ngumiti sya. nag aayos pala sya ng kanyang bisekleta ni hindi ko napansin ang pawisan nyang muka at ang mga grasa sa kanyang katawan dahil natuon ang aking atensyon sa kanyang ngiti. ang kanyang ngiti ang dahilan upang tuluyang mahulog ang aking puso sa kanya.

lumapit sya sakin at tumingin sa dala dala kong Tupperware.

"ano yan?" kyuryoso nyang tanong habang nakakunot ang kanyang mga noo. gusto ko mang tumawa pero hindi ko magawa dahil baka magalit o magtaka sya at pag isipan akong baliw.

"adobo" sabi ko sa kanya ng may ngiti sa labi habang binubuksan ko ang takip ng Tupperware ay unti unting sumilay ang ngiti nyang nakakatunaw,

"talaga?sino nagluto?" ng tapos ko na itong buksan nag angat naman ako sa kanya at nakita ko ang kasiyahan at kasabikan sa kanyang mga mata

"si manang" Tipid kong sagot siguro ay kaylangan ko naring matutunang mag luto para sa susunod ako na ang magluluto ng pagkain para sakanya. napangiti naman ako dahil sa pinag iisip ko.

tumango naman sya at kinuha sakin ang tupperware ang sabi sakin ni manang e kahit di ko na daw e uwi ang tupperware dahil marami naman daw kami nyan.

sumunod nalang ako kay troy hanggang sa napadpad kami sa kusina habang si troy naman e kumukuha ng plato at kutsara kumunot ang noo ko ng makitang dalawang Plato 4 na kutchara at tinidor ang inihanda nya

"bakit dalawa?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

he chuckles at tinignan ako habang humahagikgik.

"silly syempre kakain tayong dalawa" sabi nya at ginulo ang buhok kong sobrang tagal kong inayos.

ngumuso ako at sinapak sya

"ang tagal ko tong inayos tapos guguluhin mo lang?!" sigaw ko sakanya habang inaayos ang mga natanggal na clip sa buhok ko.

"sorry na kumain na nga tayo" sabi nya at pinaghila ng upuan.

his sweet gesture oh gosh. stop it troy baka mas lalo akong mahulog sayo at baka di mo ako saluhin gustong gusto kongr sabihin sa kanya yan kaya lang natatakot ako. I'm scared that he'll reject me I'm scared that he'll leave me I'm scared kaya mas pinili ko nalang umupo at tumahimik. sarilihin ko nalang ang nararamdaman ko para sayo troy alam ko namang talo ako.

tipid akong ngumiti at sinabing "salamat"

tumango lang sya at umupo narin,kukuha dapat ako ng kanin ng maunahan nya ako.

"ako na" ani nya at sinandukan ako ng kanin kinuhanan nya rin ako ng ulam

"ayos na ba yan?oh dadagdagan ko pa?" tanong nya sabay tingin sa plato kong may isang sandok ng kanin at ulam.

tumango ako at ngumiti "ayos na to" kinuha ko na ang kutsara't tinidor at tumingin sakanya na at gusto kong matawa dahil nakakunot ang kanyang noo.

"you should eat more kaya pala muka kang tingting" sabi nya sabay lagay ulit ng panibagong sandok ng Kanin at ulam sinasabi nya to ng umiiling.

sinamaan ko sya ng tingin

"tingting?! that's what you called diet! nag ggym ako after ko kumain kaya ganyan!" I said to him habang sya naman e nakakunot parin ang noo.

"mas gusto ko pang tumaba ka kesa maging tingting ka mas bagay yon sayo don't worry diana mahal parin naman kita!" sabi nya at ngumiti

mahal nya ako? di ko mapigilang ngumiti ng pabalik sakanya

"syempre best friend kita e" he added.

napawi ang ngiti ko at napalitan ito ng mapait na ngiti I knew it. asa ka pa diana

I laugh. "sabi mo ah?sige di na ako mag ddiet" if that's what you want. I'm willing to do everything just for you troy kaso ikaw hindi. I shake my head to lost my thoughts.

tumango sya at ngumiti "kumain kana" sabi nya at nagsandok na ng pagkain nya.

nagsimula na akong kumain at pag angat ko ng tingin nakatingin rin sya sakin. nag taas ako ng kilay sakanya "what?" I asked.

he chuckled "para ka talagang bata kumain" nagulat ako ng lumapit sya at pinunasan ang gilid ng aking labi.

naestatwa ako. asa nanamn diana asa pa.

"better." he said and smiled.

"hehe salamat" then I smiled.

"Nasarapan ka yata ah?" natatawa kong sabi habang nakatingin sa plato nyang wala ng laman habang ako e kalahati palang ang nakakain ko.

tumango sya at tumawa rin "Oo e the best talaga luto ni manang" sabi nya ng may ngiti sa labi.

Promises Where stories live. Discover now