chapter 2

2 0 0
                                    

"aray!" daing ko ng mapaso ulit ako. nakanguso akong lumapit sa first aid kit at kumuha ng band aid. nakita ako ni manang at umiling iling sya

"nako diana pang lima mo ng band aid yan at pang lima mo naring luto yan" iling iling nyang sabi mas lalo tuloy humaba ang nguso ko "hayaan mo kasi akong tulungan ka diana" alok nya.

tumango nalang ako para matapos na "halika nga rito ikaw talagang bata ka anong ginawa mo sa kusina?" sabi nya habang nililibot ng tingin ang buong kusina ginawa ko rin ang ginawa nya at ngumiwi ako tama nga si manang Sobra tong Kalat ko di ko naman kasi namalayan kasi busy ako sa pag aaral matuto ng recipe ng adobo.

napahawak ako sa batok ko habang ngumuso at tinignan si manang "e manang naman e sorry na hehe" hingi ko ng paumanhin at ngiti lang ang sinagot nya

"Ito naman yang manok ibabad mo sa toyo't kalamansi" Tumango ako at ginawa ang sinabi nya

pagkatapos ng ilang oras e tapos na ang adobo marami narin akong natutunan

ngumiti ako habang pinagmamasdan ang adobong niluto ko i mean namin ni manang sigurado akong magugustuhan to ni troy

"oh sya maligo kana't para maibigay mo na Ito kay troy" Ani ni manang ng sya'y pumalit sa pwesto ko

tumango naman ako at sinuklian sya matamis nangiti. nakangiti akong pumasok ng aming banyo at habang naisip ko kung bakit ko ba nagustuhan si troy ang bestfriend ko? cliche right? ewan lahat nalang they end up falling inlove sa bestfriend nila sabagay sino ba namang di mahuhulog sa taong lagi mong kasama? na nasanay kana na feel mo na mahalaga ka sakanya sino nga bang hindi mahuhulog? sa mga sweet actions nya sa mga matatamis nyang salita na dapat di ako dapat mag padala.

pag katapos ko maligo at mag bihis bumababa na ako at pumunta sa kusina kung saan nasan si manang.

ng makita ko ang tupperware sa tabi ni manang na nag huhugas ay dinampot ko na yoon at nag paalam.

"manang alis na po ako!" ani ko kay manang.

tumango naman sya at itinigil ang pag huhugas para makaharap saakin.

"sige iha sana magustuhan nya" ani ni manang ng may ngiti sa labi.

"Sana nga po"

pagkatapos ng pag uusap namin ni manang e lumabas na ako.

nakailang hakbang pa lamang ako e ramdam ko ang tambol ng aking dibdib.

"kaya mo to diana" pag papalakas ng loob ko sa aking sarili ng makita ko ang sarili ko sa tapat ng gate nila troy.

humakbang ako papalapit sa kanilang pintuan at kumatok ng tatlong beses.

halos lagutan ako ng hininga ng makita kong unti unting bumubukas ang gate nila at halos mahimatay na ako ng makitang si troy yon.

gulat naman syang napatingin sakin "oh diana anong ginagawa mo dito?" Takang tanong nya.

"a-ah gusto ko lang ibigay sayo tong adobo na niluto ko" kinakabang ani ko sakanya.

ngumiti naman sya at tumingin sa hawak hawak kong tupperware.

"talaga para sakin?" nakangiti nyang tanong sakin.

tumango naman ako n may ngiti sa labi at nilahad sakanya ang hawak kong tupperware na may laman na adobo.

nung kukunin nya sana ang hawak ko e nakita nya ang mga band aid sa kamay ko halos gusto ko ng lamunin ng lupa ng nag angat sya sakin ng tingin at mag kasalubong ang kilay.

"anong nangyari dyan?" takang tanong nya habang mag kasalubong parin ang kilay.

gusto kong suntukin ng paulit ulit ang sarili ko dahil hindi ako maka isip ng idadahilan ko 'think diana think!' ani ko sa sarili ko.

"a-ah ano kasi nahawakan ko yung bubog nabasag kasi yung basong hawak ko kaya ayun" kinakabang ani ko sakanya dahil nakatitig sya sakin at alam kong inaalam nya kung nag sasabi ako ng totoo at hindi.

"I know you're lying diana" madiin nyang ani sakin.

at gustong gusto ko talagang mag palamon sa lupa ngayon dahil feeling ko e nabibisto nya ang kasinungalingan ko.

"h-hindi ah! Totoo ang sinasabi ko" giit ko.

tumawa naman sya at tumingin sakin "bubog pero nangingitim at mukang nasunog talaga diana bubog" sobrang diin ng pag kasabi nya nito at gusto ko ng magtago sa ilalim ng lupang tinatayuan ko ngayon.

"e-eh kasi unang beses ko magluto" medyo nahiya pa ako dahil dinig ko ang nginig sa boses ko.

umiling iling sya at tumingin sakin "tara nga dito" at hinila nya ako sa kanang kamay ko at gustong gusto kong tumili dahil sa ginawa nya!

at alam kong para akong kamatis dahil sa sobrang pula ng muka ko!

"b-bakit?" Takang tanong ko sakanya.

"gagamutin natin yan" sabay nguso sa kamay kong punong-puno ng band aid

umiling iling naman ako pero huli na dahil nandito na kami sa salas nila.

"umupo ka muna dito" sinunod ko nalang ang utos nya dahil alam kong wala rin akong magagawa.

umalis sya at pag kabalik nya e dala dala na nya ang first aid.

at kinuha nya ang kamay ko at ngayon ko lang napansin na ang lambot lambot pala ng kamay nya para bang isang pag kakamali mo lang e mababasag sya parang ang puso ko hindi nya naingatan kaya't nabasag.

I shake off my thoughts. Kung ano anong iniisip mo diana.

nilapit nya ang muka nya sa kamay ko at tinangggal ang mga band aid nito.

"tsk dapat hindi mo na ako pinagluto" mahina pero madiin nya itong sinabi.

napatungo naman ako "p-pero gusto kong ikaw ang una kong pag lutuan at unang titikim sa luto ko.." kahit man kinakabahan e nabangit ko ito ng deretso pero nauutal.

umiling naman sya at pagka angat nya ng tingin e nagulat ako ng makitang nakangiti sya at nakakikita ko pati ang mga mata nya e masaya.

"salamat.." ngiting ani nya at di ko maiwasang ngumiti rin masaya ako dahil na appreciate nya ang ginawa ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Promises Where stories live. Discover now