Ako

32 6 11
                                    

Una sa lahat hindi ako matino
Lalo namang 'di matalino
'Di rin naman masasabing bobo

Hindi rin ako maganda
Ok lang basta walang sakit na iniinda

Hindi rin ako sexy
Pero may pagka choosy

Hindi rin ako mayaman
Mayaman lang sa kagagahan

Madali akong magmahal
Mabilis akong mahulog
Mahilig akong umasa

Masayahin akong tao
Kahit ang babaw tinatawan ko

Sa sobrang babaw ng kaligayahan ko
Madalas napagkakamalan akong sira-ulo

Sabi nila wala raw akong pangarap
Ang 'di nila alam 'yung pinapangarap ko nasa alapaap

Para kasing bituin
Mahirap abutin

Parang hangin
Hinding-hindi mo maaangkin

Mahal ko ang sarili ko
Mahal ko kung ano ako
Hindi ako magbabago
Para lang magustuhan mo

Hindi talaga ako magaling gumawa ng tula
Mahilig lang ako sa mga salitang magkakatugma

Kung para sa inyo wala itong kwenta
Ano naman sa akin?
Ang mahalaga masaya ako

Masaya ako kung ano mang kabalbalan ang pinaggagagawa ko

I chose to be happy

Kaya!
Bala ka dyan!

RabidusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon