Chapter 68: Mare's nest

10.6K 308 40
                                    

-

Iannie

"Babawiin ko ang kumpanya ko sayo. Babawi ako sayo, tandaan mo yan."

"Even if you want, you can't. Nagsisimula palang akong maningil, Matteo. Kulang pa tong ginawa ko ngayon, chill ka lang, may susunod pa." nakangisi kong tugon sa kanya at nilampasan na sya. Ako pa ang talaga ang tinakot nya?

"Congratulations,Ms.Mayhem. Talaga ngang hindi basta-basta ang mga Mayhem kung lumaban,pinahanga mo ako." wika ni Mr.Yulo habang nakikipagkamay sa akin. "Pero magiging totoo na ako sayo Ms.Mayhem, paano mo pamumunuan ang isang malaking kumpanya? Wala ka pang experience sa ganito, siguradong mapapatalsik ka rin." makahulugang sabi nya.

"Akala mo ba ay hindi ko nababasa ang plano mo? Alam ko lahat ng tumatakbo sa isip mo, Mr.Yulo. Alam kong kaya ka kumampi sa akin kanina ay dahil gusto mo rin na maupo sa pwesto ni Matteo, wala ka lang talagang makitang pagkakataon. Pero kanina, may nakita kang pagkakataon, at ako iyon. Naisip mo kasi na kung ako na ang nakaupo ay madali mo ng maaagaw sa akin ang pwesto. Tama ako, hindi ba?"

Napatigil sya at hindi nakapagsalita. Umiling-iling ako. "Masasayang lang ang pagod mo kung ipagpapatuloy mo parin yang plano mo. Ako na mismo ang nagsasabi sayo, ako na ang huling magiging CEO ng kumpanyang to." makahulugang sabi ko at nagsimula ng maglakad papunta kay Louis at Jessa na kanina pa ako hinihintay.

"Congratulations, Iannie." nakangiting sabi ni Jessa ng makalpit na ako sa kanila.

"Congratulations saan? Sa pagiging CEO ko? Hindi ko gusto ang pwesto na to, wala rin akong pakialam kung CEO na ba ako o hindi."

Kumunot ang noo nya. "Anong ibig mong sabihin? Akala ko ba ay gusto mong pabagsakin si tito?"

Napailing-iling ako. "Sayo na nga nanggaling eh. Pabagsakin, hindi angkinin ang kumpanya. Wala akong pakialam sa kumpanya na to. Kung naguguluhan ka parin, siguro mga isang linggo mula ngayon, malalaman mo kung ano ba talaga ang ibig kong sabihin." halatang hindi parin nya naiintindihan kung ano ba talaga ang pakay ko kung bakit ko ginagawa ang mga ito. Bahala na sya, problema nya na yon.

Nagpaalam na kami ni Louis sa kanya. Hindi ko gusto ang ideya na magtagal sa lugar na ito, at isa pa,pupunta pa kami sa hotel na pagmamay-ari namin. Kanina pa kasi nagtext si Bullet, kasama na nya daw yung model at kasalukuyan ng kinukumbinsi. Sana nga ay makumbinsi nya para naman hindi na namin po-problemahin kung paano namin mapapasok ang Amaluma Subdivision.

"Lahat nakatingin sa atin, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda at gwapo na sabay na naglalakad dito sa kumpanyang to? Kulang nalang ay picture-an nila tayo." mahinang sabi ni Louis na ang higpit ng pagkakahawak sa kamay ko. Akala mo naman ay may bigla nalang hihigit sa akin.

Natatawang napailing nalang ako. Inatake na naman ng kayabangan tong lalaking to. Pero totoo naman kasi, lahat ng nakakasulubong namin ay grabe kung makatingin sa amin.

Agad na dumiretso kami ni Louis sa kotse at pinaharurot iyon papunta sa Cerulean Hotel. Tinignan ko ang oras sa relo ko. Damn. Alas tres y medya na pala ng hapon pero hindi pa kami nakakapag tanghalian.

"Babe? Hindi ka ba nagugutom? Ako kasi pakiramdam ko kinain na ng large intestine ko yung small intestine ko, gutom na gutom na ako."

Malakas na napatawa ako. "Saan mo naman napulot yan? Hahaha. Kinain ng large intestine mo yung small intestine mo? Hahaha. Posible ba yon?"

"Gutom na gutom na kaya ako. Baked macaroni lang kaya yung inalmusal natin kanina, tapos hindi na nasundan yon. Tinitiis ko lang talaga yung gutom ko pero hindi ko na matiis ngayon, parang awa mo na babe, kumain naman tayo, ayokong ang maging dahilan ng pagkamatay ko ay sobrang pagkagutom."

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon