Chapter 35: Amaluma

14K 446 22
                                    

-

Iannie

"Okay, so let's start our first job as a Mayhem Mafia's secret associates!" masiglang wika ni Bullet.

"Hep hep! Anong first job ka dyan? Nakalimutan mo na bang may iniimbistigahan pa tayo?" kontra agad ng girlfriend nya sa kanya.

"Sorry naman malabs, na-excite lang ng kaunti ang gwapo mong boyfriend na macho at may makalaglag panty na abs na palaging laman ng pantasya ng kababaihan." nice. Nag sorry ba talaga sya o nag yabang? Mag so-sorry lang kailangan ay may halo pang kung ano-anong bagay? Tsk.

Bullet will always be Bullet.

"So, let's start now."

Nag seryoso na kaming lahat. Isa-isa kaming binigyan ni Heaven ng copy ng ginawa naming pag iimbistiga.

"Balikan natin yung mga nangyari, nung mapunta yung role kay Camilla, nag simula na din kumalat yung tungkol sa relasyon daw nila ni Sir. Sumunod naman don ang pag kalat ng mga edited na pictures nila na mag kasama hanggang sa naging malaswa na ang picture. Inamin ni Rhia na sya ang nag pakalat ng mga yon dahil sa may nag uutos sa kanya na gawin iyon o mas tamang sabihin na nang ba-blackmail. Pero sa kabila ng pag kalat ng mga balita, malalaswang litrato at maging ng video kung saan makikitang may nag tatalik na babae at lalaki na sinasabing silang dalawa, ay walang naging reaksyon si Sir Ramirez dahil may nang ba-blackmail din sa kanya." wika ko.

"At ang pinaghihinalaan natin na ang nag gawa ng kwento, nag utos o nanakot kay Rhia na ikalat ang mga larawan, nang blackmail kay Sir Ramirez ay si Jessa Brigham." dugtong ni Louis.

"Teka,parang may kulang... Di ko lang matukoy kung ano." puna ni Heaven. Ikinunot ko ang noo ko at muling binalikan ang lahat. Kulang? Ano ang kulang?

Hmm..

Tama!

"Oo, may kulang nga." sabay pa naming sabi ni Louis. Nag katinginan kami at sabay na napangisi. Sa wakas, mag kakaroon na rin ng butas ang almost perfect na krimeng ginawa ni Jessa. Oo, krimen na rin yun. Kahit na hindi sya pumatay o nag nakaw, krimen pa rin iyon. Nang blackmail sya at nag bigay ng death threat, may attempted murder din syang ginawa. Sapat na ang mga iyon para tawaging krimen ang mga ginawa nya.

"Heto na naman tayo sa magka-konekta nilang utak." parinig ni Bullet. Inirapan ko nalang sya. "Baka naman pwedeng i-share nyo sa amin ang naiisip ng magka-konekta nyo utak?" dagdag pa nya.

"Yung video. Hindi pa natin alam kung paano yun kumalat,kung saan o kanino nanggagaling. Hindi naman sinabi ni Rhia na sya ang nag pakalat non. So, kailangan nating alamin kung kanino nanggaling yun." wika ni Louis.

"Paano?"

"Bulletㅡ"

"Bakit ako? Pang cyber works lang ako, kung naka upload yun sa kung ano mang website kaya kong malaman kung sino ang nag upload, ang kaso lang hindi ko alam kung saan naka upload yun, kaya bakit ako?" kontra agad nya. Hindi muna kasi ako patapusin eh.

"Di pa naman kasi tapos si Iannie, ikaw lang ang may malaking tsansa na makaalam kung saan nanggaling yun, naka upload man sa kung anong website o pinakalat lang ng tao." sagot ni Louis sa kanya. Yun na yon ang dapat na sasabihin ko, konti nalang talaga maniniwala na ako sa sinasabi ni Bullet na magka-konekta ang utak naming dalawa.

"Teka, teka, pakilinaw pa nga. Hindi ko pa rin maintindihan. Alam ko naman na gwapo ako pero sana maintindihan nyo na hindi ka-level ng IQ nyo ang IQ ko." paano'y ayaw mong mag seryoso. Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya pero wag nalang. Ewan ko ba sa lalaking yan, dati naman para syang si Louis. What I mean is, parang sya yung kakonekta ng utak ko. Sadyang palabiro lang sya pero magaling mag imbistiga ang isang yan. Pero ngayon bakit parang pumupurol na ata?

Badass Detectives [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon