chapter 2

43 0 0
                                    

After Jen left my office I called out for Ramira to bring me the papers once again. Hindi pwedeng di ko mapirmahan ang mga papeles na yon kundi malalagot na naman ako sa tatay ko.

"F*ck! Bakit ba hindi mo sinasagot ang phone mo Ramira! I need those papers!" Nakailang tawag na ako sa kanya but still hindi pa rin niya sinasagot.  Naglalakad ako ng pabalik balik habang kinocontact ko yung phone ni Ramira. Puntahan ko na nga lang siya sa table niya.

Paglabas ko ng office ko napakatahimik. Eh usually naman sobrang ingay ng mga empleyado dito. Ano nangyare? May anghel bang dumaan? Walang tao sa bawat table. Bumaba ako sa lounge para sana lumabas muna at magkape.  Pero pati mga tao sa lounge namin nawala.Guard lang na nagbabantay sa entrance ang natira.

"Saan napunta ang mga empleyado dito? Biglang nagkawalaan lahat." tanong ko sa kanya.

"Ay sir kayo ho pala. Nasa conference room po silang lahat. Nagpatawag po ng meeting ang Papa niyo. Hindi ho ba kayo nasabihan?"

WHAT?! Hala! Bakit andito ang papa? Nagpatawag siya ng meeting ng hindi ako sinasabihan? Anong klaseng meeting ba yon at hindi ako kasali?

"Ah ganon ba, sige salamat. Pupunta na lang ako baka nagmamadali ang Papa kaya di na nasabi sa akin." Aakyat na lang ulit ako sa office ko baka kasi biglang pumunta ang papa doon.

Nako! Yung mga papeles nga pala! Kelangan ko ng mapirmahan ang mga iyon habang nasa meeting ang papa. Mapapagalitan na naman ako non pag nagkataon. I rush to the elevator para mas mabilis. Pagkalabas ko ng elevator tumakbo agad ako papuntang table ni Ramira para kunin ang mga papers na pipirmahan ko.

Grabeng dami na naman ng pipirmahan ko. Ganito pala pag president ka ng isang company. When I'm finish on signing the documents I stretch out myself dahil nakakapagod pumirma habang nakatayo.

"Wow you sure are tired" may boses na nagsalita.

"Yeah, I'm really tired. Its so hard signing a hundred of papers almost everyday." Bigla akong natigilan ng marealize ko kung sino may ari ng boses na yon. My neck stiffened but manage I turned around to face him.

"P-papa!" Gaaad! Why am I stammering? And in front of the employees.?! Its so embarassing. Iba talaga pag papa ko ang kaharap ko. Halos di na ako makagalaw. Nakatingin lang siya sa akin na medyo nakakunot ang noo. Feeling ko di na maipinta ang mukha ko ngayon at pinagpapawisan ako ng malamig. Napangiwi na lang ako.

"Bakit ngayon mo lang pinirmahan ang mga yan? Hindi ba kahapon pa dapat pirmado ang mga yan?" Paktay ka diha!

"Ah,eh k-kasi Pa, a-ano..."

"Pasensya na po sir Armando! Nakalimutan ko po kasing dalhin kaagad ang mga yan kay Sir Ashton! Kasalanan ko po." It was Ramira. I never thought that she would cover up for me like this. Buti na lang andiyan siya. Pero ang totoo ako nagsabe kay Ramira na bukas na lang niya dalhin ang mga yon dahil tinatamad na ako pirmahan ang ganong kadaming documents.

"I see, you shouldn't forget important documents like that Ramira. Be more organized next time." Buti pa kay Ramira hindi pagalit magsalita ang Papa ko.  Sana sa akin din pero wish ko lang!

"Ashton!" he calls out for me while I am spacing out.

"Yes pa?!" I replied.

"In your office!" Ano na naman ba ginawa kong kasalanan? Mapapagalitan na naman ba ako? Bago ako pumasok sa office ko lumapit muna ako kay Ramira.

"Ramira, how should I thank you now? You covered up for me alot for today. Maybe a coffee somewhere will be fine?"

Hindi pa rin siya makatingin sa akin ng diretso. "S-sir wala po yon. Isa pa po nakakahiya naman kung sasama ako sa inyo. Alam niyo naman pong maraming humahanga sa inyo dito sa company baka bigla na lang po akong sugurin kung makikitang magkasama tayo."

I can't help myself but to laugh a little. I feel flattered whenever someone says that alot of people are admiring me kahit marami ng nakapagsabi. "No, its just a token of appreciation from me. Besides hindi naman date yon and nothing so sweet will happen kaya hindi naman siguro masama yon. Oh pano I'll be heading for now but I will fetch you later" I gave her my sweetest smile before I left.

But before I entered my office muli ko siyang tiningnan. And hindi nga ako nagkamali nakatingin siya sa akin. So I wink at her. Tila nagulat pa siya kaya nagblush then pumasok na ako. Napangiti ako.  Umupo ako sa upuan na nasa side ng front table ko kung saan umuupo ang mga bumibisita sa akin. Nakaupo kasi siya sa swivel chair ko. Nagsalita ang Papa pero di ko pinakikinggan. Palage lang naman niya ako pinapaglitan kaya labas na lang sa kabilang tenga.

'Bakit pati si Ramira nilalandi mo na?' sabi bigla ng utak ko.

'Aba hindi ko naman nilalandi no. I just smiled and wink at her. Isa pa I don't have any interest towards her. She's not my type' sagot naman ng kabilang utak ko.

'Really? Pero makangiti ka wagas'

"Manahimik ka na nga!" bigla kong naisigaw.

"What was that you said Ashton?!" Aw! P*ta! Nagsasalita nga pala ang papa ko bakit bigla kong naisigaw yon?.

"P-Pa-Papa! A-ano k-kasi..." Bigla na lang lumipad sa akin yung lalagyan ng ballpen ko sa table ko. Saktong sakto sa noo ko.

"Ouch!" Sapo sapo ko ang noo ko dahil ang sakit talaga. Gawa kaya sa kahoy yun. Ikaw ba naman batuhin. Pambihira binili ko pa sa Baguio to eh. Sira na tuloy.

"Kanina pa ako nagsasalita but you're not listening and you really have the guts to stop me!!"

"Sorry, ano nga ba yung sinasabi mo Pa?"

"Alvin is getting married next month!"

"Ahh ikakasal na si ku- WHAT?!!! Ang bilis naman?! Ni wala pa nga siyang pinapakilalang gf eh tapos kasal agad?!" gulat kong tanong sa Papa ko. Hindi ko lubos maisip na ikakasal na agad siya. Alam kong babaero din ang kuya ko but still parehas din kame ng laging sinasabe. Commitment is not in my vocabulary. That's our punchline.

"But how come? Alam niyo rin naman ang ugali ng kuya"

"Its a shame to our family kung hindi niya papakasalan yung babae after he confess that he really was the father of the child."

"Nakabuntis siya? But he always use protection kaya pano nangyari yon."

"Why don't you just ask him personally? And aside from that since he is getting married, I will count on you from now on regarding our company. He will be busy after the wedding.  By the way I have to go now." Umalis na ang papa ko at naiwan akong nakatulala doon. Throughout the working hours I just made myself busy para di ko na maisip muna si Kuya. I meet with the client from my appointment then go back to my office after that.

When I'm done working I glance at my watch for the time. Its only 5pm. Naalala ko inaya ko nga pala di Ramira kanina na magkape. Marami pa namang time pero alanganin na kaya dinner na lang kami. Siguro naman hindi na masyadong busy yung manang na yun. Maybe its more fun if I play with her a little. An evil grin just came out from my lips.

Inspector MillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon