Drew,
una sa lahat nag papasalamat ako sa Dios na pinagbigyan nya ang halos 2years kong panalangin na makasama ka muli ng 5 months. naranasan ko ulit ngumiti at maging masaya. na akala ko hindi ko na magagawa at binigyan nya ako ng pag kakataon na tanggapin kung ano talaga ko sa buhay mo, mag kakaroon pa ko ng pag kakataon itama ang lahat na pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko. ng malamang pinaglaruan mo lang ako, ang mga peklat na nakatago sa loob ng mga mahahaba kong manggas ay tanda ng pananakit ko sa sarili ko,, im sorry,, yun lang kasi ang na iisip kong paraan para masabi ko sa sarili ko na malakas ako na kaya kong tiisin ang sakit sa pag iwan mo sakin. Iniwanan mo ko ng malaking sugat na hindi ko nakikita at pakiramdam ko noon patuloy sya sa pag dugo at sobrang sakit nito. kaya na isipan kong sugatan ang sarili ko. pakiramdam ko ang lakas lakas ko pag nakikita ko itong dumudugo at natiis ko ang sakit. nag kakaroon din ako ng munting pag asa pag nakikita ko na nag hihilom ang mga ito,, umaasa ako ng gagaling din ang sugat na hilikha mo sa puso ko at mag iiwan na lang ito ng marka pero wala na ang sakit,, im sorry Drew,, naging mahina ako,, naging dependent ako sa sleeping pills,, ginusto kong takasan ang realidad at mabuhay sa panaginip na kasama,, pero nagising ako sa isang bangungot,, na dahil mas minahal kita higit pa sa buhay ko pati ang inosenteng angel na damay,, im sorry
ngayon tapos na ang limang buwan. may kasunduan kami ng nasa taas na sa awa at tulong nya hindi ko na sasaktan ang sarili ko at iingatan ko ang panibagong anghel sa sinapupunan ko at mamahalin sya,
mahal na mahal kita Drew,,
NICA
pasimple kong pinunasan ang mga luhang nag babanta na naman pumatak dahil sa sulat na iniwan sakin ni Nica, Limang taon ko na tong binabasa pero. ang sakit ay parang laging 1st time ko lang to nabasa,, mabuti ka pa Nica, dininig ang panalangin mo, ako 5years na wala paring sagot,,
sana kahit 5 minutes lang, makahingi ako ng tawad at sabihin na mahal ko sya,, na pa tingala ako sa langit sana po pag bigyan nyo na ko,, bigyan nyo rin po ako ng pag kakataon maging masaya,, panalangin ko sa taas,,
Limang taon na rin ang naka lipas,, pinilit kong ituloy ang buhay ko. kahit pakiramdam ko unti unti akong pinapatay sa masakit na katotohanan na bumalik lang sya para ulitin ang nakaraan at itinama ang mga maling ginawa nya,, andaming tanong na gumugulo sa isip ko,, paghihiganti lang ba ang lahat? kamusta na kaya sya? at ang anak namin ano kaya itsura nya,, sa loob ng limang taon inayos ko ang buhay ko,, may sarili na kong business. naka pag pundar na ko ng mga gamit at may sarili na kong bahay,, pinipilit na nga nila ako mama na mag asawa,, stable na daw ako at pwedeng pwede ng bumuo ng pamilya,, Nica asan kana ba? kayo na lang kulang sa buhay ko,,
Tahimik akong naka upo sa swing na paborito naming tambayan ni Nica,, Na aagaw ng dalawang bata ang atensyon ko,, sir,, Pwede po ba kaming maki upo sa swing,, tanong ng cute na batang
babae,, tumango lang ako bilang tugon yehey,,tara kuya drei,, tuwang tuwang sabi ng bata habang tinatawag ang kuya nya,,ang sakit mo sa tenga, your to noisy,, inis na sabi ng kuya nito,, its a public place kaya kahit hindi ka na mag paalam pwede kang umupo,, stupid,, anya ng batang lalaki,, ang yabang mo,, napahiyang sabi ng batang babae,, kumabog and dibdib ko ng makita kong hinawi nito ang kanyang buhok at inipit sa kanya tenga ang mga ito,
mag kapatid kayo? tanong ko sa dalawang bata na ang mga nasa 5 years old siguro,, opo were twins daw? nakapout na sabi ng batang babae,, bakit may daw? nakataas ang kilay na tanong ng batang lalake,, hello you said earlier na stupid ako, am I stupid enough not to notice na hindi tayo mag kamukha? naka cross arm nitong turan,, eh hindi nga tayo identical twin,, tanga mo talaga,,