Eunice Pov
"Huuyy! hindi ba kayo natatakot na baka, sabay sabay sabunutan ni Trixie ang mga buhok natin?" Tanong ko.
Huhuhuh, grabe pa naman magalit yung dragona na 'yon! huhuhuh! save us papa god!
"Ang OA mo Eunice!" sigaw ni Casey..
"Tss! hindi ba kayo aware?" ani ko, habang umirap nalang sa hangin. Ngunit hindi nila ito pinansin.
"Tara sa cr." pag-aaya ni Elvie..
"H-ha? ayoko nga! i-ikaw nalang no! baka mamaya rapin mo 'ko dun!" nauutal na sabi ni Casey, dahilan para matawa kami ni Elvie.
"Yaaaannn! epekto yan kakabasa mo nang smuts! hahahaha!" pang-aasar ko rito.
"Mandiri ka, Casey" nakangiting sabi ni Elvie.
Naglalakad kami papuntang Cr. Pero hindi pa rin mawala ang takot o kaba na nararamdaman ko, sheeettt! grabe naman talaga kasi si Trixie magalit, huhuhuh.
Nang makarating na kami sa cr, biglang nagsalita si Elvie habang kumukuha ng tissue, "Anong idadahilan natin?" seryosong tanong nito.
"Oh see? kinakabahan ka rin pala! hu-hu-hu!" mangiyak-iyak na pang-aasar ko..
"Sabihin nalang natin, natatae tayong tatlo odiba—" hindi na naituloy ni Casey ang sasabihin nya nang may malakas na sumipa sa pinto.
Lahat kami ay nakatingin kay Trixie na hingal na hingal.. oww sheeettt! This is it! ihanda nyo nalang ako ng libingan ha? hanggang sa muli mga readers. Huhuhuh
"Tabi nga! ihing ihi na 'ko!" ani ni Trixie, habang hinawi si Elvie na dapat ay papasok na sa cr.
Nang makapasok na sa cr si Trixie, nagkatitigan kaming tatlo.. mga titig na "what-the-fuck-"
"Hayyyy" I sighed..
"Anong nangyari dun?" bulong ni Casey..
"Ligtas tayo, hayyy" singit ni Elvie
Mamaya maya pa ay, lumabas na si Trixie sa cr.. at tumingin samin tatlo.
"Handa na ba kayong tatlo?" nakangising tanong ni Trixie, habang hinahawakan ang isang kamao nito.
"A-ahh g-ganito kasi y-yan T-trixie—" dali dali kong tinapal ang kamay ko kay Casey.. dahil alam ko ang irarason nya tss!
"Ahh ganito kasi yan, ihing ihi na 'ko, so nagpasama ako sakanila. Mahirap na diba? baka abangan ako. Tsaka ayos na yung kasama ko sila para pareparehas kaming bugbog sarado, diba?" pagrarason ni Elvie..
Tinanggal ko ang kamay ko sa bunganga ni Casey..
"A-ahh oo!" pagsasangayon ko..
BINABASA MO ANG
Late Night Conversation With Him
RomanceAng kabataan ngayon ay sa social medias nalang nagkaka-ibigan. Ito ang ginagamit nating way para maka-chat o maka-usap ang kanya kanya nating crush. I-respond kaya ni Jeremy ang message ni Trixie? O babalewalain nalang ito? Ako si Trixie o mas kil...