UNTITLED

9 2 0
                                    

RESPETO.
Ugaling unti unti na atang nawawala sa ating mundo,
Di na halos maramdaman sa bawat tao;
Anila,ito'y dapat na ibigay sa kanila,
Pero bakit 'di rin nila kayang ibalik sa kapwa?

TIWALA
Lagi't lagi na ay nasisira.
Ibibigay ng buo pero binabalewala.
Para bang isang mamahalin at babasaging gamit na 'di iningatan,
At dahil walang ingat ay tuluyang nalamatan.

PAG-IBIG
Napakahiwagang salita,na bawat puso'y siyang hinihimig.
Napakalalim ng ibig ipahiwatig.
Walang makaarok,kung kaya't ginagawang laro,
Kaya ang puso'y naiiwang wasak at tuliro.

Respeto,tiwala,pag-ibig.
Tatlong salita,tigtatatlong pantig.
Simpleng bigkasin,ngunit waring sa panahong ito'y kayhirap ng hanapin;
Nakakalungkot na katotohanan ngunit kailangang tanggapin.
May pag-asa pa nga kayang ito'y baguhin?

POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon