SALAPI.
Lahat ng tao,ito'y minimithi.
Sa kahirapan siya ngang papawi.
Anupa't lahat na'y gagawin,
Upang salaping nais ay maangkin.Paninindigan...Prinsipyo...
Para bagang bulang naglalaho.
Pag ang kinang ng kayamanan ay kumislap,
Ito'y mawawala sa isang iglap.
Biglang lumalabo ang isipang kaylinaw,
Nagiging baluktot ang tuwid na pananaw.Magulang...kapatid...kaibigan...
Sino ba sila? Sa buhay sila'y 'di kailangan.
Itatakwil sa ngalan ng kayamanan.
Walang mas hihigit sa halaga ng salaping nagbibigay kapangyarihan.Kapangyarihan.
Iyan ang hatid ng salaping kinaaakitan.
Ugat ng kabuktutan at lalo pang pagkagahaman.
Walang katapusang paghahangad,
Palad ay laging nakahad.Pawis.
Ang pumapatak sa iyong katawan,ngunit pilit pinapalis.
Luha.
Ang tumutulo sa iyong mga mata,na iyong binabalewala.
Dugo.
Ang dumadanak at dumidilig sa lupa.
Buhay ang kapalit ng inaasam na kwarta.Ikot. Oo,ikot pa.
Pinapaikot ka na ng perang iyong sinasamba.
Yung akala mong ikaw pa ang nasa timon,
Ikaw na pala ang kinokontrol.Nakakatawang isipin hindi ba?
Paanong ang isang walang buhay na papel na iyong sinasamba,
Ang siya na palang sa isip mo'y nagdadala.
Hawak ka sa leeg,at sunod sunurang animo'y papet.
Sa kagustuhang 'di mawala sayo,sa patalim ay kakapit.Salapi.
BINABASA MO ANG
POEMS
PoesíaTesting lang po kung marunong pa ba..Kung kaya ko pa gumawa ng tula.next time try ko na din stories..Kung may mapipiga sa utak kong natuyo na ata ng anaesthesia😂😂😂😂