Tula #1

20 5 0
                                    

Umuulan ng malakas kasabay ng luha kong parang hindi na mag wawakas.

Sa aking balat ang hangin ay humahampas ng napakalakas.

Naglalakad sa kawalan at hawak ang dibdib dahil nasasaktan.

Habang inaalala ang nasaksihan, ang mga patak ng ulan sa akin ay nagbabagsakan.

Kayong dalawa ay masayang nagsasama samantalang sa gitna ng dilim ako'y nag-iisa.

Ako'y basang basa na sa ulan ngunit ako'y walang pakialam kung ako'y walang masilungan.

Dahil ang sakit na aking nararamdaman ay parang hindi ko na makakayanan.

" Tula " (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon