Tula #3

12 4 0
                                    

Isang araw ako'y may nakita, lalaking hawak hawak ang kanyang gitara.

Ako'y napatitig sa kanya at pintig ng aking puso ay bumilis bigla.

Kinabisado ko ang kanyang mukha at masasabi ko ang ganda ng kanyang mga mata.

Ilang oras ko din sya tinitigan, hanggang sa hindi ko namalayan uwian na pala.

Nanghihinayang sapagkat hindi ko alam ang pangalan nya.

Lumipas ang isang araw muli ko syang nakita, ngunit di ko parin alam ang pangalan nya.

Nais kong malaman kung ano ang pangalan nya ngunit, di ko magawang makalapit sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kanya sa mga oras na yon at masasabi kong nakuha na nya talaga ang aking atensyon.

Sabi ko sa sarili ko sa susunod na sya'y makikita ko, ako'y lalapit at tatanungin "anong pangalan mo?"

" Tula " (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon