Chapter One

4 0 0
                                        

Thalia PoV

Taltal bilisan mo na kumilos late ka na naman.

Yes Ma

Oh ingat lang sa hagdan baka malaglag ka.
Si mama talaga lagi na lang ganyan. ano bang bago eh late na naman ako.

Malapit lang naman ang school sa amin pero kailangan ko na magmadali kasi nga late na ako.

Peep Peep

Taltal sumabay ka na sa akin.
si Franco pala bestfriend ko.

Late ka na naman

after 5 minutes nandito na kami sa school. Ang bilis kasi magdrive ni Franco akala mo nasa karera lang.

Hatid na kita sa room ninyo
Sabi ni Franco sabay kuha ng bag ko.

Nandiyan na sila!
Sigaw ng classmate ko na si Jedd.

Ayiee Lia kelan mo ba sasagutin si Santos?
Tanong bigla ni Bella na rinig ng lahat kaya bigla naging tahimik.

Best friend ko lang siya okay
Sagot ko naman.

may mga sarili na silang mga komento.

Ay sayang bagay pa naman kayo

Best friend lang ba talaga?

May boyfriend na Yan si Lia Kaya wag ninyo na pilitin na maging sila.
Sabi ni Ma'am Zarah.

Ma'am sino naman?
tanong ng mga classmate kong tsismosa at tsismoso.

Santos pumunta ka na sa room mo
utos ni ma'am Zarah.

Sige Taltal mauna na ako

Salamat Franco ingat ka
sinundan ko na lang siya ng tingin.

Okay Class dahil wala naman tayong gagawin pagsasamahin na lang ang tatlong section.

Yeahh

YES!

Free Day!

Komento ng mga classmate ko.

Hep hep
pagsaway ni ma'am

HOORAY!
Sigaw ni Bella at Sandra.

ayan tuloy nabatukan sila ni ma'am. mga bruha talaga.

Dalton
Flores
Mendez

Ma'am pwede isama si Frances?
tanong ni Bella.

Hala
Sabi naman ni Frances habang namumula.

sige

Pakisabihan ang Emerald at Pearl na dito sila pupunta sa room natin.

Yes Ma'am
sabay sagot namin ni Frances at Bella.

Sige aattend lang ako ng meeting magbehave kayo Sapphire.

Franco PoV

Boy hinatid mo na naman si Ms Cutie nohh?
Tanong ni Jass

Oo

Paano mo nalaman?
makakapagtaka lang na alam niya agad.

Secret

kachat niya kanina pa si Frances
Pagbuking ni Kaeden Kay Jass.

Hahahaha basag
Sabi ni Jared.

si Ms Cutie ohh kasama yun mga kaibigan niya.
Sabi ni Jass sabay turo doon sa harapan.

Boy si Frances ohh
Gatong ni Jared.

Namumula kayong tatlo
Sabi naman ni Kaden.

Sabi ni ma'am Zarah pagsasamahin ang Sapphire, Pearl at Emerald dahil may meeting ang mga teachers ngayon.
Anunsyo ni Taltal

Yes!
Waah makikita ko si Jedd!
Wala tayong quiz!

Sinasaway ni Bella at Sandra ang mga classmate namin habang si Taltal ay tahimik lang.

Tatayo na sana si Kaeden para sawayin ang mga classmate namin kaso bigla naman nagsalita si Taltal.

Tahimik!
Kung kanina nakangiti pa siya ngayon nanlilisik na ang mga mata niya. Lahat ng maingay na tinitignan niya bigla na lang tumatahimik.

Nakakatakot si Ms. Cutie ngayon.
Sabi ni Jass

Oo nga kung nakakamatay lang ang tingin nakabulagta na tayo.
Pagsang-ayon ni Jared

Napatingin siya sa pwesto namin. Kaya biglang tumahimik si Jared at Jass kakabulong.

Lia kalma lang natatakot na sila sayo.
Sabi ni Frances.

Napabuntong hininga na lang si Taltal.
Sa room 204 na lang kayo pumunta.
President pa-assist na lang.
Pagpapatuloy ni Frances at umalis na sila para sabihan ang emerald.

She is interesting
komento ni Kaeden

Sino?
Tanong ni Jared

the cutie girl
sagot ni Kaeden.

Himala nagkainteres ka na sa babae.
Komento ni Jass

May kaagaw ka na Franco
Sabi ni Jared

Suportahan kita boy
Sabi ko naman aba ngayon lang yan.
Ganun mo lang kadali bitawan si Ms. Cutie.

Jass Best friend ko lang si Taltal ilang beses ko ba sasabihin sayo yan.

Tsaka may tiwala naman ako kay Kaeden.

Hindi namin namalayan na nandito na kami sa room 204 classroom ng 8-Sapphire.

Fight For My PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon