CHAPTER FOUR

25 1 0
                                    


Natapos ang weekend ko na masaya. Pumunta kaming mall nung saturday at sobrang saya ng anak ko. Yun lang naman ang gusto ko maging masaya siya at dahil yun kay Cane.

Pagpasok ko sa opisina pinatawag kaagad ako ng Head namin kaya pumasok agad ako sa office niya.

"Goodmorning Miss Poli pinatawag niyo daw ako" Miss Poli is young looking pero ang totoo 35 na siya.

"Have a seat at hindi nako magpapaligoy pa. The CEO need a new secretary at ikaw ang rinequest niya" may pagtatakang sabi ng head namin. Nanlamig naman ako sa narinig.

"Napano po yung secretary niya?" Tanong ko.

"Pinaalis ni Seb masyadong flirt. She seduce my cousin at ayaw ng pinsan ko ng ganun sa opisina" oo nga pala tito pala ni Miss Poli ang dating boss so magpinsan sila ni Sir.

"So ano na Miss Dimla? Hindi ka daw pwedeng tumanggi tatanggalin niya daw lahat ng kaibigan mo dito sa kumpanya at hindi daw ako exemption dun. Walang galang ang damuho e tanda ko sa kanya" umirap pa si Miss kaya napatawa ako.

"Eh miss di naman niya ko binigyan ng choice kargo de konsensya ko pa kapag natanggal tayong lahat dito" sagot ko.

"FYI Tal hindi ka kasali sa tatanggalin kami lang"

"Ano ba hinithit niyang pinsan mo miss?" Flat na tanong ko.

"Ewan ko dun. Magkakilala ba kayo? Bakit masyado naman yata niang gustong maging secretary ka? Baka may gusto sayo?" At humalakhak po si miss na para bang siya ang may tinira. "Langya lang! First time kung ganun!"

"Huh?" Naguluhan naman ako dun.

"First time kung magkakagusto yan sa isang babae. Lagi na lang babae ang naglalaway sa kanya hopefully siya naman maglaway sa isang babae. Alam mo bang meron pang pumuntang babae sa kanila ang sabi nabuntis daw siya ni Sebastian Carl Velloca. Langya! Epic kaya yun tawagin ba naman sa full name kaya nainis yang si Seb" tawang tawa talaga eh hindi ko naman magets. "Ah basta punta ka na lang sa kanya kung tatanggapin mo or hahayaan mong mawalan lahat kami ng trabaho"

"As if I have a choice" napairap naman ako na tinawanan lang ni Miss. Ano kayang nangyari dun sa naghabol sa kanya?

Kaagad akong pumunta sa top floor at kita ko ngang bakante na ang mesa ng secretary niya. Kumatok ako ng tatlong beses para malaman niyang may tao di naman kasi ako basta na lang pumapasok baka may ginagawa ang tao sa loob inistorbo ko pa.

"Come in" malalim ang boses na anya.

"Ano nanaman bang gusto mo? Bakit ako pa eh gusto ko na dun sa trabaho ko sa baba." Mataray kong bungad.

"Easy there baby." Swabe niyang sabi . Kaya lalo lang akong nainis!

"Tss" pagmamaktol ko.

"Ang sungit wala man lang ba kong goodmorning dyan?"

"Wala! Umagang umaga nakakainis ka!" Sigaw ko.

"Hey! I'm still the boss here you know. Ipatanggal ko kaya lahat ng kasama mo sa trabaho?" Pambabanta niya pa kaya natigilan ako. Kasi naman! Nakakainis!

"Fine! I'll do it. I'll be your secretary if you want. Okey na? May sasabihin kapa?" Note the sarcasm.

"Good. Kuha mo kong kape ngayon na." Utos niya.

"Okey sir."

Pagkatapos kong maibigay ang kape niya pumunta nakong dating mesa ko at kinuha ang gamit ko para ilipat sa secretary desk kuno.

Mabilis lumipas ang araw at isang buwan na mula ng maging secretarya ako. Palautos lang talaga ang damuho. Kahit yung mga nakatago na pinakuha sa kin at pinagaralan niya. Yun lang yata ang magandang makikita sa damuho masyadong seryosu kapag nasa trabaho.

"Tal do i have schedule this afternoon?" Tanong niya sakin gamit ang intercom.

"Wait sir i'll just check it"

"Okey. Thanks" sagot niya.

"Sir, you have a meeting with Mr Lim 1pm and at 4 kay Miss Leanne De Dios"

"Shit! Ngayon ba yon?"

"Yung ano po Sir?" Tanong ko. Minsan hindi ko talaga siya makuha. Hindi ko nga alam minsan kung ako ba ang kausap niya.

"Uhm..Can you come with me Miss Secretary?"

"Okey lang Sir. Secretarya mo po if about sa business pwede po." Bait ako.

"Come here Miss Dimla"

Dali-dali ako pumasok ang seryoso kasi niya nakakatakot.

"Ano po yun Sir" tanong ko kinakabahan.

"Can you pretend that your my girl? Kahit mamaya lang kapag kameeting na natin si Miss De Dios?" May pagaalangan niyang tanong

"Ano po yun Sir hindi ko magets eh."

"Alam mo kasi Miss De Dios is my ex fling. Uhmm.. ayaw niya kong tigilan kahit sinabi ko na na may girlfriend ako. Kaya please Miss Dimla i'll pay you for this" pangungulit niya.

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?"

"Please Miss Dimla"

"Okey. Ipakilala mo pa rin akong secretary mo"

"Okey. That was my plan after all"

"Anything you need pa sir? Maglalunch na kasi"

"Wala na. Maglunch kana if you want"

Napangiti ako. Gutom na kasi ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE BILLIONAIRE'S BABYWhere stories live. Discover now