CHAPTER THREE

34 1 0
                                    


"I-ikaw?" Kinakabahang tanong ko. Bakit ba ang malas malas ko sa lahat pa ng company sa kanila pa ko napunta. Ano to? Pinaparusahan nila ako?

"Yes it's me baby" swabeng sagot niya kaya napatingin ako sa mata niyang kung makatitig para kang tutunawin.

"Don't call me that! Nakakairita!" Bulyaw ko. Sabay labas ng office niya. Nadinig ko ding tinatawag niya ko at hindi ko na siya nilingon pumunta ng cr nitong floor niya.

Bumalik ako sa upuan nung maging ok na ko. Natatakot ako. Natatakot ako na baka kunin niya ang anak ko. Paano kung malaman niyang nagbunga ang isang gabing may nangyari samin? Kukunin niya ba sakin si Drey? Wag naman sana hindi ko yun kakayanin.

"Uy Tal anyare sayo? Bakit mugto yang mata mo? Tinanggal kaba?" Tanong ni Gary na may pagalala.

"Hindi ko alam siguro lalo na nasigawan ko yata siya nung kinausap ko."

"Anlaki mo talagang gaga. Bt mo naman sinigawan? Yang bibig mo talaga walang break eh no?"

"Kung paalisin niya ko maghahanap na lang akong ibang trabaho." Malungkot na sabi ko

"Sayang naman kung aalis ka. Malaki ang pasahod nila dito tapos ganda pa ng benefits. Tapos pwede mo ring kuha ng scholar dito si Drey baby."

Natigilan ako. Hindi pwede. Baka kapag nakita niya si Drey kukunin niya sakin. Malaki ang hawig nila ni Drey baka nga kapag nakita niya ito hindi magdadalawang isip na anak niya ito.

Pagkauwi ko unang kong hinanap ang anak ko. Nakita ko siyang nanonood ng t.v. ang palabas cartoon network favorite niya

"Drey! I miss you anak" tawag ko. Nagtatakbo naman siya papunta sakin.

"Mommy! Namiss din kita"

"How's school?"

"Ok lang po mommy. Minsan po naiinip na po ako sa mga lessons namin ang dali po kasing intindihin" bibo niyang sagot.

Matalinong bata ang anak ko hindi naman ako matalino kaya sa ama niya siguro namana.

Yung lalaking yun bakit yata mas gumwapo siya? Mukhang gumanda din lalo ang katawan. Kainis. Paano ko ba mapapapangit ang damuho. Kapag nakangisi na ang hudyo lalong gumagwapo. Lalag panty mo siguro kung ngingiti pa to. Teka? Bakit ko ba siya iniisip?

Naiwan mo kasi panty mo sa kanya te. Bulong ng isip ko.

Hindi kaya! Manahimik ka jan! Sagot ko. Langya kinakausap ko na sarili ko. Nababaliw na yata ako! Arrgh!

"......gusto ko po ng bagong book mommy" huli kong narinig sj anak ko. Langyang lalaking yun di ko na tuloy napakinggan tong anak ko.

"Okey. We'll buy you books on saturday"

"Yipee thanks mom!" Masayang sagot ng anak ko.

"Ehem..." biglang may tumikhim sa likod ko paglingon ko ang bestfriend ko lang naman palang si Cane. Yeah my guy bestfriend Hurricane Tolentino diba astigin pangalan pa lang kakaiba na. Meron din naman akong girl bestfriend.

"Pwede ba kong sumama babe?" Tanong nito.

"Tito Gwapo!" Masayang tawag ng anak ko at ayun nagpapakarga kaagad. Minsan naiisip kong gusto ng anak ko na magkaroon ng ama lalo na kapag andyan na si Cane. Nakakalungkot lang dahil parang malabo niyang makasama yung tunay niyang ama.

Isa lang naman ang option ko para makasama niya ang ama nito ang ako mismo ang magsabing may anak siya sakin pero natatakot ako baka hindi niya tanggapin masasaktan ang anak ko at hindi ko yun kakayaning makita. Sa ngayon ganito muna.

"Earth to Tal" napakurap na ko sa tawag ni Cane.

"Ano yun Cane?" Tanong ko.

"May problema ka ba? Ang tagal mong tulala dyan. Lalim nung iniisip mo. Tell me baka matulungan kita."

"Later" maikling sagot ko at tumingin sa anak ko na may hawak na bagong toy car kaya napasimangot ako.

"Your spoiling him too much. Ayaw ko nga ng ganyan Cane baka masanay. Tsk!" Palatak ko.

"Hey it's okey babe. Alam mo namang parang anak ko na to at kapatid kita gagawin ko lahat maging masaya lang kayo"

Yan ganyan yan. Ang gwapo sobrang bait pero hindi ko malaman bakit di ako magkagusto sa kanya baka dahil alam kong may minamahal na siya noon pa.

"Wag kang ganyan Kuya Cane baka magkagusto na talaga ko sayo nian" biro ko.

"Kahit nga nagpapacute nako sayo walang epekto at kapag nagkagusto ka sakin ligawan mo muna ako" biro din niya

"Bihis lang ako" paalam ko.

Pagkababa ko nakita kong naglalaro na sila. Pumunta akong kusina nadatnan ko si mama na nagluluto sabay yakap sa kanya. Si mama lang ang nakaintindi sakin nung ipinagbuntis ko si Andrey. Lahat ng kamaganak namin hinusgahan lang ako. Pakawala daw akong babae, inanakan at marami pang masasakit na salita. Kaya ang ginawa ni mama umuwi kami dito sa dating bahay nila ni papa sa Maynila maliit lang pero ok na to walang huhusga o mananakit samin ng anak ko.

"Gutom ka na ba?" Malambing na tanong ni mama. Tumango ako kahit di niya makikita.

"Thank you po sa lahat lahat mama. Thank you sa pagaalaga niyo sakin at sa anak ko. Patawad kung marami akong pagkakamali. Tinaguyod mo ko magisa. Salamat kay papa bago man siya nawala nabuhay ako" maagang kinuha samin ang ama ko limang taon palang ako nung naaksidente siya. Mahirap ang walang ama.

"Anak basta para sayo lahat gagawin ni mama" ang sarap sa pakiramdam nun.

"Luto na to tawagin mo na si Kuya Cane at ang anak mo"

Natawa ako. Ayaw na ayam kasi ni Cane na nagpapatawag ng kuya saken. Nakakatanda daw. Eh matanda nanaman kaya siya. 24 nako siya 29 na layu ng agwat pero ayaw magpatawag ng kuya.

THE BILLIONAIRE'S BABYWhere stories live. Discover now