C & H - 01

6 0 0
                                    

[2018]

"Cheol..."

"Malapit na 'ko," sagot ko sa babaeng naiinip sa phone.

"Bilisan mo na. Gusto ko nang uminom," reklamo niya.

"Teka, Hani. Kuya, malayo pa ba tayo?" tanong ko sa Grab driver.

"Malapit na tayo sa building sir."

"Oh ayan, narinig mo na yung driver ha. Hintayin mo na lang ako diyan sa ground floor niyo."

"Okay," tamad na sagot niya at in-end na ang call.

Hindi ko talaga maintindihan ang utak ng babaeng 'to. Sino ba ang biglang magyayayang uminom sa kalagitnaan ng linggo? Wednesday pa lang ngayon pero gusto niya na atang mag-Friday na.

Nai-stress na naman panigurado ang babaeng to.

"Sir, nandito na po tayo."

"Ito po kuya," binigay ko ang bayad at pumasok sa building. Kita ko agad siya na nakaupo sa couch habang abala sa cellphone.

"Hoy," tawag ko sa kanya sabay tapik sa kanang balikat niya.

---

"Hoy," nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Sunod siyang naglakad paharap sakin.

"Cheol," sabi ko at napabuntong-hininga na lang.

Ano ba 'tong napasukan ko?

"Hoy," hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na. Gutom lang 'yan," pinagsalikop niya ang mga daliri namin at inakay na ako palabas ng building.

"Hani?" nilingon ko ang tumawag sakin.

"O, Ate Bing?" kasama ko sa trabaho.

"Boyfriend mo?" sumunod na sila kuya George.

"Phardz, sino yan?" dagdag ni Kuya Joey.

"O, may boyfriend naman pala itong si Hani eh. Tigilan niyo na nga 'yang kakaasar nyo na tomboy 'yan," sabi ni Kuya Ramon.

Rinig ko ang mahinang paghagikgik ni Cheol sa tabi ko. Sa inis ay piniga ko ang kamay niya.

"Aray," hindi niya naitago ang sakit ng ginawa ko sa kamay niya. "Good evening po," bati niya sa mga kasama ko sa trabaho.

"Mauna na po kami," paalam ko sa kanila at nauna na kaming lumabas ng building.

"Kasi naman, Hani. Ayusin mo na nga yang pananamit mo. Wala ka na sa uni para magsuot ka pa rin ng pang-wash day."

"Gago," inalis ko ang kamay ko na hawak niya at sinuntok siya sa braso. Nauna akong naglakad sa kanya.

"Joke lang," habol niya.

Hindi na ako nagulat nang pinulupot niya ang kaliwang kamay niya paakbay sa balikat ko. Sunod na bumaba ang kamay niya na humawak sa kanang braso ko bago ulit iyon bumalik sa kanang kamay ko. Pinagsalikop niya ulit ang mga daliri namin at sabay na kaming naglalakad.

Hindi na ako nagugulat sa skinship niya sakin. Sa tagal naming magkasama, magugulat pa ba ako sa lalaking 'to?

"Ito na yung Grab," kinawayan niya ang orange na Toyota vios na papalapit samin. "Saan tayo kakain?" tanong niya pagpasok namin.

"Gusto ko ng soju," sagot ko pero bigla niya na lang akong kinaltukan sa ulo. "Aray!" inis na hinarap ko siya.

"Kakain muna tayo. Ako na naman ang pahihirapan mo niyan mamaya!" rason niya.

Cheol's HaniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon