001

53 5 6
                                    

Friends
Aurora (roseus_dawn)

Hindi lahat ng storya, may kasamang pag-ibig.

Hindi pag-ibig sa isang indibidwal. Kundi pag-ibig sa kaibigan.

Alexis Coralde's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexis Coralde's Point of View

I am the girl who they wanted to be.

Mabait. Masunurin. Nasa honor. Ginagawa lahat ng gusto nila. Sobra sobra ang takot sa parents, yung tipong may gawin lang na mali sa paningin nila ay malalaman nila agad. In short, paranoid ako. Ako rin yung babaeng kinaiinggitan ng lahat. Bakit? I can dance. I can sing. I can act. Basta, halos nasa akin na daw ang lahat.

May kaibigan akong katulad ko, yung nga halos katulad ko na rin.

Okay na ang lahat. Okay na ako sa buhay ko, sa kaibigan ko.

Pero ng dahil sa away naming magkakaibigan ay nahiwalay ako sa kanila.

Napunta ako sa grupong, halos wala ng takot sa magulang. Pariwarang hindi. Grupong kinaiinggitan ako na hindi. Grupong walang pakialam sa akin. Grupong kung tignan ay hindi mababait. Yung Grupong laging may isang napapatawag sa office ng matataas na teacher. Grupong kung magbatian ay, "Tangina! Buhay ka pa pala?", "Bitches!", "Gago, ngayon na nga lang tayo nagkita ambaho mo pa!". Murahan dito, murahan doon. Grupong masama ang tingin ng lahat pero masaya kung makikilala mo sila.

Bakit ako sa kanila lumapit? Bakit nila ako tinanggap kung ang agwat namin o ugali namin ay napakalayo?

Lumapit ako sa kanila dahil sobra akong naapektuhan sa away naming magkakaibigan.

Almost perfect friendship na akala ko ay plastican-ship pala. I told them, most of my secrets. Akala ko naawa sila. Yun pala, behind my back, nagtatawanan sila dahil ang arte ko daw tao.

Ayaw daw nila sa akin dahil pala-utos at pala-mura daw ako. Nagkaroon ng impact sa akin yun. Iniyakan ko sila, kahit hindi sila karapat-dapat ng luha ko.

Wala akong choice kundi lumapit sa kanila. Lumapit ako sa pinaka-approachable na taong yun. Si Zaxie.

I approach her. Hindi ako tanga para hindi mapansin na nagpaalam siya kay Paris at sa mga kaibigan niya.

Nagulat ako nung mga panahong pumayag sila. Akala ko pina-plastic nila ako. Nagulat ako ng pinapakita nila ang tunay nilang katauhan.

Makikita mo talagang suwail sila na hindi.

Hindi dahil hindi nila pinapabayaan ang pag-aaral nila. Nakakagulat na kasama sila sa may matataas na ranking eh.

Kahit ang ginagawa nila ay puro gala, nakakagulat.

Hindi nagtagal naging ka-close ko sila. Naging ka-close sila dahil kay Zaxie.

Ang akala kong mataray na Paris, ay sobrang abnormal pala.

Ang akala kong puro aral na si Rainie, ay palamura at malibog pala.

Ang akala kong plastic na si Zaxie, ay mabait pala pero gago.

Ang akala kong good girl na si Chloe, ay wais pala.

Si Akiyo? Matagal ko ng close yun, kaya kung ano ang nakikita mo sa labas na kaanyuhan niya ay ganun din siya. Gago.

Unti-unti ko silang minahal. Unti-unti akong na-attach sa kanila. Kahit alam kong kaya nila akong itakwil.

Konting pangt-trip ni Zaxie sa akin, iniiyakan ko. Magsabi ba naman na lilipat na daw siya ng school. Gago talaga!

Pag-aagawan sa akin ni Akiyo at Zaxie. Pag-aari daw nila ako. Duh! Pag-aari ko ang sarili ko.

Pagd-drama sa akin ni Zaxie, na itinatanggi ko daw siya. Abnormal talaga!

Natuto akong baliin ang rules and laws ng parents ko.

Natuto akong magmura ng grabe, natuto akong maging bastos, naging open minded ako.

Natuto akong pag-tanggol ang sarili ko.

Ang dami kong first time sa kanila.

First time mag-gala ng malayo.
First time nagsinungaling sa parents.
First time maging malibog.
First time mambara.
First time mautusan.
First time madramahan.
First time umiyak dahil sa trip ng kaibigan.
First time makakita ng kaibigan na hindi nagb-breakfast.
First time magkaron ng kaibigan nakikibreakfast sa amin.
First time umuwi ng gabi.
First time paghinalaan na uminom.
First time mainlove sa gago.
First time magka-virtual boyfriend for one month.
First time makita ang tunay na saya sa mundo.

Nung minsan, nagkaroon ng open forum kami sa rooftop nila Zaxie.

Laro nila yun, truth or truth. Walang dare. Truth lang.

Natapat sa akin ang bote, una puro nonsense ang tanong. Pero biglang nagtanong si Paris.

"Naisip mo bang B.I. (Bad Influence) kami sayo?"

Biglang sumigaw si Zaxie, "Puta! Gusto ko marinig ang sagot mo dyan!"

Hindi ako makapagsalita, tila nagp-process sa akin ang lahat. Ang tanong ni Paris.

Naging maingay ang paligid pero wala doon ang aking atensyon.

Biglang sumigaw na naman si Zaxie, "Ano na? Tangina! Ingay niyo! Sasagot na si Alexis! Manahimik kayo! 1,3,5,7!"

Bigla siyang binasag ni Paris, "Bobo lang magbilang? Balik kita sa kinder! HAHAHAHAHAHA!"

"Ge talon! Pagsagutin niyo muna si Alexis!" Sabi ni Zaxie.

Hindi ako makapag-salita pero pinilit ko ang aking sarili.

"Oo, inisip kong B.I. kayo pero masaya kayo kasama." Sabi ko sa kanila.

Narinig kong nag-"ohhh!" Sila.

Biglang nagsalita si Zaxie, "Kasi nga! Masarap ang bawal! Puta, double meaning yun!" Sigaw niya at meron pang dumaang teacher doon! Gaga amputa!

"Ay? Puta ka Zaxie! Bwiset!" Sabi ni Paris habang tumatawa.

Naging masaya na seryoso ang usapan. Ayun, late akong nakauwi at pinaghinalaang uminom. Bwiset? Ayoko sa alak, Mader!

I can describe my friends in one sentence, Masama man sa paningin ng lahat, masaya pa din.

Why? Dahil kahit puro kagaguhan ang ginagawa nila ay kaya pa rin nilang maging proud sa kanila ang parents nila.

Kahit ganyan sila, lagi nila akong pinapaalalahanan na mag-aral, alam mo kung bakit? Kokopyahan daw nila ako. Tangina niyo po :)

B.I. Man sila, masaya sila kasama. Walang plastican, walang gaguhan, at tunay silang kaibigan.

The End.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note:

Dedicated to Alexis Coralde bbybluemoon ❤️

Collection Of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon