002 (part 1)

41 2 5
                                    

Three
Aurora (roseus_dawn)

"Tatlong taon na kitang mahal, hindi mo ba napapansin yun?"

"Tatlong taon na kitang mahal, hindi mo ba napapansin yun?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jireh Cua's Point of View

"KINANGINA NAMAN, ZAXIE! AMBABOY MO TALAGA KAHIT KAILAN! HINDI KA NA MAKAKABALIK DITO SA BAHAY!" Sigaw ko doon sa bastos kong kaibigan.

Sino ba namang tao ang mangungulangot tapos ipupunas sa higaan ko! Babae pa yan ah!

"Wushooo! As if matitiis mo ko! Love mo ko ihhh!" Sabi ni Zaxie habang tumatawa, medyo kadiri yung pagpa-cute niya. Mukhang bibe.

"Di kita love. Si Shana love ko. 3 years na."

Napahawak naman sa dibdib si Zaxie, "Ouch, medyo masakit. Tsaka matagal ko ng alam yun! Duh!" Sagot ni Zaxie.

Narinig ko namang tumawa ng malakas si Marie, na gumagawa ng PowerPoint.

"Tawa ka?" Mataray kong tanong.

"Yaan mo yan, baliw yang gagang yan!" Sabi ni Zaxie na parang timang kung tumawa.

Baliw tong babaeng to! Kung di ko lang kaibigan tong mga to, itatapon ko sila sa Ilog Lani-Pasig! Oo, Ilog Pasig!

-

"Alam mo Jireh, tanga ka talaga." Biglang sabi ni Zaxie.

"Saan na naman!? Alam kong tanga ako. Wag mo na pahalata."

"Kailan ka ba makakamove-on? Men! 3 years na!" Sigaw ni Zaxie.

"Mahal ko eh. Alam ko namang di ako mamahalin din ni Shana eh." Sagot ko sa kanya.

"Alam mo naman pala eh! Move on na men!" Histerikal na sabi ni Zaxie. Napatahimik na lang ako, at hinahayaan tumalak si Zaxie sa harapan.

3 years na. Ang tagal na. Akalain mo yun, tumagal ako ng tatlong taon. Sa mga naging karelasyon ko nga hindi halos umaabot ng 3 buwan eh, sa kanya 3 years! Special ah! Special child. Hahahahaha!

May tumagal naman ng 8 months, si Paris! Pero alam kong kagaguhan lang yun, pero 8 months kami ah! Babayaran ko sana utang niya kay Zaxie pag nag-1 year kami eh. Nakipaghiwalay lang si Gaga Hahahahaha!

"Haypp! Anong oras naaaaa! Jombag abot ko kila mudra! Jusko! Hatid mo ko Jiweeeeh!" Bumalik ako sa earth ng marinig ko ang nakakabwiset na boses ni Zaxie.

"No bitch. Bahala ka dyan." Sasamahan ko naman talaga tong babaeng to.

"Lul! Samahan mo na ako! Sumbong kita kay Tita Nars!" Tinaas ko na lang yung middle finger ko sa kanya.

"Tara na kasi!"

"Oo na! Tangina mo!" Singhal ko sa kanya. Ngumiti naman si Zaxie na akala mo ay kulang sa chromosomes!

-

Nahatid ko na si Zaxie sa sakayan, yan kasi! Layas masyado.

Pagdating ko ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga. At nag-isip kung paano ko kukulitin si Shana. Paano ba? Chat ko ba? Tatawagan ko ba? O aasarin ko?

Collection Of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon