002 (part 2)

25 3 2
                                    

Three (part 2)
Aurora (roseus_dawn)

"Walang susuko."

Jireh Cua's Point of View

Habang naglalakad ay tumutulo ang mga luha ko..

Kaya kong taggapin yung sakit kahit minamaliit niya ako pero, mas masakit yung hindi tanggapin ng Mama niya ang relasyon naming dalawa.

Nakauwi na ako sa bahay, wala ako sa wisyo para magsalita. Agad akong humiga sa higaan ko.

Hindi pa pala alam ng mga magulang ko na Bisexual ako at may girlfriend. Ayoko muna ipaalam, masyado pa akong nasaktan mula kanina. Hindi ko naman na kaya kung mado-doble pa ngayon.

Pampawi ng lungkot na naramdaman ko, nagbasa basa muna ako ng sad ending books.

"Bawat saya at ligaya, may kapalit na lungkot at hinagpis." Basa ko sa isang line ng bida sa storya. Masyado akong natamaan. Tama naman kasi, dahil kada galaw mo, laging may kapalit.

Hindi ko na kayang magbasa, kaya natulog ako. Natulog akong may bakas na natuyong luha sa pisnge.

-

Pumasok ako sa school, na mugto ang mata, may malalim na eyebags. Masisisi mo ba ako? Nagmamahal at nasasaktan din ako.

Nilapitan naman ako ng mga kaklase ko, pero narinig kong sinigaw ni Zaxie na, "Wag niyong anuhin si Jireh! Wala sa mood yan!" Buti at nakaramdam siya.

Maya-maya dumating na si Shana, mugto din ang mata at may malalim na eyebags na halata sa kanya daw maputi siya.

Hindi muna kami nagusap ni Shana, dahil wala pa rin kaming lakas sa lahat.

DUMATING ang lunch, doon lang kami nagpasyang mag-usap ni Shana.

Dinala ko siya sa garden ng school namin, na tanging mga college students lang ang pumunta.

Pagkarating namin roon ay agad naman niya akong niyakap agad ako ni Shana at umiyak.

"S-shana...." Naluluhang sabi ko.

"Jireh...... Mahal kita." Bulong niya sa akin.

"Shana, w-walang s-susuko ah." Umiiyak kong sabi.

"Walang susuko." Nanghihina niyang bulong sa akin.

Bumalik kami sa classroom na halata sa mukha na umiyak kami. Hindi rin naman nagtanong ang mga kaklase ko.

Puro pagtatago ang ginagawa namin ni Shana, dahil may nagsusumbong sa Mama ni Shana na nagkikita kami ng pasikreto. Kaya mas lalo kaming nagingat. Maraming mata ang nanay ni Shana dito sa eskwelahan namin.

Pinangako namin ni Shana na sabay kaming g-graduate. Sabay kaming papasa.
Sabay kaming lalaki.

Lumipas ang mga araw na pagtatago ang ginawa namin, ang mga araw na naging mga buwan.

Hanggang sa, "Jireh, usap tayo." Seryosong sabi ni Shana.

Nakaramdam ako ng kaba na may mangyayari na hindi maganda.

"Ano yun, Shana?" Maligaya kong sabi pambawas ng kaba.

Pero blankong tingin lang isinukli niya sa akin, kaya nagseryoso na rin ako.

Huminga muna siya ng malalim, "Jireh, pagod na ako." Sabi niya sa akin.

Parang may punyal na tumusok sa puso ko pero pilit kong iniwasto ang aking isip na baka napapagod lang siya sa mga gawain sa eskwela.

Collection Of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon