▪ ● ✦
Tsokolate, ganyan ka parin ba katamis? Sa tingin ko'y hindi na dahil nawala na ang dating ikaw, ikaw na ginusto ko, ikaw na minahal ko. Itong gabing ito ang pinakamasakit para sakin, ang gabing lumuhod ako sa harap mo at sinasabing huwag mo akong iwan, ngunit tinabig mo lang ang kamay ko, dahilan para matumba ako.
