Dear Mincy,
Hi Mincy, sa panahong ito ay maaaring galit ka sa akin dahil sa ginawa ko, naalala mo pa ba yung kapag naglalakad ako sa hallway e pulang pula yang pisngi mo? Hahaha. Crush na crush moko e. Tapos sobrang saya mo nung sinabi kong gusto din kita, dun parang ka ng sinapak sa pula ng pisngi mo! Dejoke. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako nawala, hindi nawala ang Caleb na kilala mo, huwag ka ng matakot sakin Mincy. Pinagkasunduan nila Mama at Papa na ipakasal ako at yun yung babaeng kasama ko sa Mall, pinipilit kong ngumiti kahit alam kong bawat ngiti ko ay pumupunit sa puso mo, Ikaw lang ang gusto ko Mincy, wala ng iba, hindi ko ginustong saktan ka, kaya kahit masakit para saking iwan ka ginawa ko padin para rin sa ikabubuti mo Mincy. Sana mapatawad mo ko. Mahal na mahal kita.
-Caleb