Glowing in the dark

13 8 0
                                    


"Asan na yung pinapadrawing ko sa'yo? Kahapon pa yun ah! Next subject na namin yung pagpapasahan ko non, tapos sasabihin mo wala?!"

Napapikit nalang ako sa lakas ng boses n'ya.

Yakap ko ang aking mga tuhod sa isang sulok, kung saan tanging mga anino lamang ng mga damuhong ito ang aking nababanaagan.

Ilang linggo na ring ganito ang set-up ko tuwing papasok ako sa school ng alas dose.

Papasok akong puti at plantsado ang uniporme --- uuwi akong putikan at gusot na ang damit.

Nakakasawa na.

Pero wala akong magagawa.

"Hoy! Kinakausap kita!"

Wala akong boses para sabihin ang mga gusto kong sabihin. Ang tinig ko'y para lamang sa mga gusto nilang marinig mula sa akin.

"Babae! Pag ako bumagsak sa Arts subject namin malilintikan ka sakin!"

Wala akong laban.

Tampulan ako ng mga kalaban.

" GUMAWA KA NA! BAGO KA PA MAN HALIKAN NG KAHOY NA 'TO!"

Maybe I was born to be a slave.

Maybe my talent wil bring bruises to my skin.

Maybe I was meant for dark destinies.

But I think it's too much.

Masakit na.

"Stop."

Isang malamig na boses ang namayani sa loob ng abandonadong classroom na ito sa kabila ng aking mga hikbi.

"I said--- stop."

A familiar shadow comes out of the dark.

His fountain-like hair tie -

The long umbrella he's holding -

And the lollipop on the other hand of him.

"Move."

Dumating na naman s'ya.

"Alis."

Ang bida sa script na sinulat ni bathala para sa eksenang ito ng buhay ko.

"Wag n'yo ko antaying manakit."

"I never say anything more than twice"

"Tigilan n'yo na ang babaeng 'yan."

*phone ringing*

~•~•~

oxyJean's POV

Alas kwatro palang ng madaling araw nagising na 'ko. Paano ba nama'y itong si sir Khobalt, kay aga mambulabog jusko.

Mabuti nalang nagising na ko after so much vibrations kundi baka nasa trenta na yung missed calls niya sakin.

Pero ang masaklap pa don, matapos n'ya ako bulabugin binabaan naman din ako. 'Hello' palang nasasabi ko naglaho na agad s'ya.

Hays.

Bakit parang ang bigat ng katawan ko. Ano bang ginawa ko kahap-

Kahapon?

Napapikit ako at inalala ang pinakalatest na maalala ng isip ko.

And for worst, ang huling setting na nagflash sa screen ng utak ko is yung mukha lang ni sir then...

Then everything went black.

Chemical Reactions Where stories live. Discover now