(July 8, 2017)
Hi diary,
Sabi nila pag broken hearted ka, lahat ng katangahan magagawa mo na. Kaya pala! Diary alam mo ba kanina, muntik na akong tumalon sa school building. Putek naman kasi diary! I tried talk to him pero dinedma niya lang ako. Masakit sa heart diary! Gusto mo bang malaman yung sinabi niya?
"Kiaaan! Mag-usap nga tayo!" pagpigil ko sa kanya ng makasalubong ko siya sa hallway"Wala na tayong dapat pag-usapan. Tapos na tayo" parang yelong pagkakasabi niya kasi naman ang cold sabay higit sa kamay niya at nilampasan ang maganda ngunit sawi sa pag-ibig na si ako.
Napahiya ako diary alam mo yun?! Dahil sa ginawa ni Kian, pinagbulungan at pinagtawanan ako ng mga schoolmate kong tsimosa.
Dahil di ko na carry yung kahihiyan, mabilis akong umakyat sa rooftop at dun umiyak. Puta naman kasi diary! Double Kill eh!
Ang sakit sa dibdib. I just want to die bes. Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa dulong bahagi ng rooftop. Umakyat na parang nasa isang drama.
Nagkagulo sa baba ng may makapansin sa akin. Dedma na lang. Bakit ba? Eh nasasaktan ako iintindihin ko pa ba sila?
Pinagmasdan ko lang ang buong paligid ng school. Kasi tanaw naman. Mapapagmasdan ko ba kung di kita? Wag bobo bes ha. Back to the story na nga, ayun bago ako tumalon, nagmuni-muni muna ako. Inalala yung mga panahong masaya pa kaming dalawa. Yung mga panahong mahal ko siya at mahal pa niya ako. Oh diba? Mas sinasaktan ko lang yung sarili ko. Hays!
Napapikit na lang ako para damahin ang simoy ng malamig na hangin na huling beses ko na mararamdaman dahil sa susunod na mga araw katawan ko na ang manlalamig.
Unti-unti at dahan dahan lumalakad, eto na malapit na. Kaunti na lang at matatapos na. Isang talon lang at matatapos na lahat ng sakit.
Natanaw ko siya. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang walang pakialam kung mawala man ako ng dahil sa kanya. Kian.
Tatalon na ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod dahilan para mahulog ako pabalik sa rooftop.
"Kian?" tanong ko habang nakayuko ngunit paharap ko mukha ng bestfriend ko ang nakita ko
"Anong Kian?! Puro ka na lang Kian. Ano magpapakamatay ka dahil sa kanya? Tanga ka ba ha? Yung Kian mo andun sa baba, walang pakialam kahit mabasag yang bungo mo sa baba kapag tumalon ka"
Oo nga naman, imposible nga namang siya ang pumigil sa akin. Di na nga niya ako mahal eh.
Dahil sa sinabi sa akin ng bestfriend ko tuluyan na akong napahagulgol ng iyak. Sa sobrang sakit at panghihina, napayakap na lang ako sa kanya. Tanging pag-iyak ko lang ang maririnig.
Nagpapasalamat pa rin ako na may isang Vein Xyruz na laging andiyan para sa akin, isang bestfriend na handang makinig sa mga kadramahan ko syempre bukod sayo diary ko.
Oh diary, muntik ka ng di masulatan kung nagkataong namatay ako kanina. Hays. Di ko akalain na ganito pala ang mga mensaheng mailalagay ko sa unang pahina.
Pero diary, hanggang dito na lang muna ha. Madami pa tayong pagsasamahan. Pangako. Pilit ako lalaban. I love you!
Nasasaktan,
Hailey Elizabethan----
A/N: Sana madama ninyo yung sakit na nararamdaman ni Hailey, para damay damay na to. Joke hahaha.
YOU ARE READING
Diary Ng Broken Hearted
JugendliteraturDiary ng broken hearted-mga pahinang naghahayag kung paano masaktan. Kung paano nagbago ang isang tao dahil sa sakit na naranasan.