Entry #2

3 0 0
                                    

(July 11, 2017)

Hi diary,

Ayihh aym back! Hay nako. May ikukwento ako sayo. Alam mo ba nakita ko kanina si Kian sa labas ng classroom namin. Ang gwapo niya talaga sa school uniform namin. Yung isang kamay niya nasa pocket niya. Ang astig talaga. Alam mo diary ganun lagi ang tayo niya dati pag iniintay niya ako sa labas ng classroom namin ayon ay noong mga panahong kami pa.

Lagi niya kaya akong hatid sundo. Minsan may dala pa siyang favorite kong foods like fries at shawarma.
Hays naalala ko na naman nung first monthsary namin.

Malapit ng mag-uwian noon ng mapansin ko siyang dumating sa harap ng classroom namin. Napansin niya ako kaya naman kumaway siya at ngiti lang ang naisagot ko dahil may prof. pa sa unahan.

Kating kati na akong maglabasan dahil yung love of my life ko andun sa labas at nag-iintay.

"Class Dismissed" sabi ng prof. namin kaya't dali dali kong inilagay sa bag ang notebook ko. Bahala na kahit magulo haha.

"Kiaaan" tawag ko sa kanya

Patakbo akong lumapit sa kanya saka yumakap.

"Hey baby, namiss mo agad ako?" nakangiting tanong ni Kian

Parang bata akong tumango dahilan para pisilin niya ang magkabilang pisngi ko

"Elizabethan para ka talagang bata" nanggigigil na sabi niya

Napa eye smile na lang ako dahil sa ginawa niya

"Excuse me, bata pa naman ako. 18 lang ako ha"

"Oo na oo na hahaha. Gift ko nga pala. Happy 1st Monthsary baby" sabi niya sabay abot sa akin ng isang book at fries

"Uwaaah! Wattpad book" sobrang saya ko kaya napayakap na lang ako sa kanya

"Bakit may ganito? hahaha.  Grabe di ko inexpect. Ok lang naman kahit walang gift eh. Basta kasama kita ok na" maluha luhang sabi ko sa kanya

"Alam ko kasing mahilig kang magbasa, kaya ayan naghanap ako ng wattpad book" sagot niya saka pinunasan ang isang luhang pumatak mula sa aking mata dahil sa saya

"Thank you Kian"

Ang sweet niya diary di ba? Napangiti na lang ako dahil naalala ko yun. Pero yung ngiting yun bigla na lang naglaho ng malaman kong kaya pala siya andoon kasi may sinusundo siya. Sundo. Ganoon na ganoon din. Yung porma, postura, ngiti, at galaw niya katulad ng mga pinakita niya.

Bago sila umalis ay nagkatinginan muna kaming dalawa. Ngunit tulad noong nakaraan blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Diary masaya na siya sa iba? Dapat pa ba akong umeksena? Pero ako naman yung nauna di ba? Sa akin naman talaga siya.

Diary mahal na mahal ko pa din siya.

Mas nasasaktan,
Hailey

Diary Ng Broken HeartedWhere stories live. Discover now