The Lies Beneath His Smiles

1 0 0
                                    

Pagod na sumalampak paupo sa sahig si Biseok at agad pinunasan ang mga pawis na tumatagaktak sa buong nukha at katawan nya.

Kakatapos nya lang mag practice para sa nalalapit nilang mall show, kailangan nyang galingan para magustuhan sya ng lahat.

Agad napaangat ang tingin nya sa may pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa ang isang lalaking ani moy papel ang kutis sa sobrang puti. Yuga.

" Yuga, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba tinatamad ka mag practice? " takang tanong nito habang natatawa, kilala si Yuga bilang isang antukin at well tamaring miyembro nila.

Binigyan lang sya nito ng tamad na ekspresyon at iwinagayway ang kamay sa ere na ani mo'y sinasabing manahimik nalang sya.

Napa-kibit balikat nalang sya doon at muling itunuon ang pansin sa pag punas ng kanyang katawan.

Tahimik ang buong silid ng biglang mag salita si Yuga dahilan para mabasag ang katahimikang bumabalot doon.

" Biseok... " mahinahon ang kanyang boses.

napataas ang kilay nito at agad tinignan si Yuga na ani mong sinasabing ipagpatuloy lang ang sasabihin.

" yung mall show sa isang araw na, hindi ka ba kinakabahan? alam mo na nung last nating mall show, masyadong hindi maganda ang nangyare " malumanay ang boses nito na parang natatakot syang masaktan si Biseok sa ano mang salitang lalabas sa labi nya.

Agad namang napatigil si Biseok dito at parang isang tubig sa talon na rumagasa ang ala-alang iyon sa kanya.

" ladies and gentleman let us all welcome, IVOS! "

dumagundong sa sigaw ang buong lugar ng mag silabasan ang pitong miyembro ng IVOS upang mag pakilala.

unang lumapit sa harap ay ang pinaka maliit sa kanila na may pink na buhok " Chimin at your service mi' lady "

Nag tilian agad ang mga kababaihan ng sundan pa ito ng kindat ng lalaki.

Chimin, sya ang pinaka maliit sa grupo at isa rin sya sa isip bata dito.

Sunod naman na lumapit sa unahan ay ang lalaking medyo katangkaran at may brown na buhok " Hi Yungvi here! " eksaherado itong kumaway at ngumiti ng pag kalaki laki.

Yungvi, ang pangalawa sa pinaka bata sa grupo, pangalawa sa pinaka bata pero sya ang pinaka isip bata.

Sunod na lumapit ang isang lalaking nay brown din na buhok " Kook here! " agad itong ngumiti at inilabas ang ngipin nya, gagi para talaga syang rabbit.

Kook, ang pinaka bata sa grupo nako jusko wag na wag mong pag sasamahin si Chimin, Yungvi at Kook at makikita mo talaga kung ano ang hinahanap mo.

sumunod naman ang lalaking may blonde na buhok at agad na ngumiti, putragis hindi pa nga nag sasalita ang tilian ng mga babae wala na, ilabas ba naman ang dimple na mas malalim pa kesa sa balon " Hi I'm Joomon, I'm the leader hope you will all support us until the end "

lumapit ang lalaking may blonde din na buhok, sya ang pinaka matangkad sa lahat " I'm Jin your world wide handsome cook! " did I already mention na mahilig mag luto ang isang to at hindi lang mahilig magaling pa sya doon.

Lumakad papuntang harap ang isa pa nilang miyembrong may itim na buhok, makikita mo sa kanyang mga mata na antok na antok na sya at naiinip sa nangyayare " Yuga. "

Isang salita lang ang lumabas sa labi nito at agad na nag tilian ang mga kababaihan sa loob ng mall.

At ang panghuli sa kanila, ang may pulang buhok na lagi atang masaya sa buhay at laging nakangiti.

Pag kalapit nya sa harapan ay agad nag mistulang simenteryo ang loob sa tahimik dahil don ay parang nag aalinlangan parin syang mag salita.

" I'm Biseok. I am everyones sunshine! " malakas na sigaw nito at sinundan ng isang malaking ngiti.

Agad bumagsak ang ngiti nya ng wala manlang nakuhang reaction mula sa mga tao.

Nabalik sya sa katinuan ng biglang umubo si Joomon at tumawa ng hilaw na ani moy pinapagaan ang tensyon sa loob.

Tumingin sya ulit kay Yuga at agad ngumiti ng malawak ba ani mo'y ipinapakita nya kay Yuga na okay lang sya.

" ano ka ba, magiging okay lahat. Wag mo ng problemahin yon sige na papractice ulit ako " tumayo sya at agad tumalikod. Sa pag talikod nya na yon ay agad bumagsak ang ngiti sa kanyang mga labi.

Okay lang sya, dapat maging okay lang sya.

The Lies Beneath His SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon