Chapter 1

86 3 2
                                    

Part 1

"Good Morning madame." sabay sabay na sabi ng aming mga katulong sabay yuko.

Nandito ako ngayon sa Philippines. Kagagaling ko lang mula South Korea kung saan ako nakatira for 5 years. Nandito ako dahil pinatawag ako ni tito Clarence. May panibago raw kasi akong misyon.

"Good morning." masiglang sabi ko sa kanila. Kahit na wala sa aking bokabyularyo ang pagiging mabait, masigla naman ako o kaya naman ay masiyahin. Iba iyon sa pagiging mabait diba?" Nasaan nga pala si tito Clarence?" tanong ko sa aking PA na si Julie.

"Nauna na po siya sa school. May inaasikaso daw po siya." sabi niya "Ito po pala ung uniform ng school niyo. Sa Davidson University nalang daw po kayo mag-aral sabi po ni sir Clarence." dagdag niya sabay abot sa akin ng white longsleeves, Royal Blue Skirt na pang korean and japanese school, Royal Blue blazers, and Royal blue ribbon. Ako nalang daw bahala sa shoes na susuotin ko.

Bago ko makalimutan ako nga pala si Stepanie Anne Miala Reyes. 18 years old. Single. No serious boyfriend since birth. Minsan masiyahin ako pero minsan super seryoso lalo na kapag may mission ako. Matalino ako and kilala ako bilang isang popular student sa DU dahil tuwing may oras ako ay pumupunta ako dito. Pili lang ang aking mga kaibigan. Mga gangster, mafia and assassin lang ang aking mga kaibigan o kaya naman ay isang heir or heiress. I love traveling and eating. And most of all I hate Cassanovas. Why? Dahil namatay ang daddy ko dahil sa kanila.

~Flashback~

4 years ago

Nandito kami ngayon ni mommy at daddy sa isang resthouse namin sa laguna.

"Dad! Let's take a picture." sabi ko sa aking daddy

"sige anak. tara doon tayo malapit sa dagat." sabi sa akin ng dad ko.

Like what he said, pumunta nga kami malapit sa dagat. Maganda ang tanawin dito. Mapayapa at tahimik.

Niready na ng daddy ko ung camera sa tripod na dala niya.

"Iyan na Sam. Say Cheese." sabi niya.

"Cheese!" sabay naming sabi ni dad sabay flash ng camera.

"Ano pa gusto mong gawin, sam?" tanong sa akin ng dad ko.

"Uhmm. Gusto ko pong panoorin ung bagong palabas sa sine. Ung action movie po para masaya." masiglang sagot ko naman sa kanya.

"Sige. Pag may oras tayo mamaya, manonood tayo." sabi naman niya.

"Miala, Jason! Halika na dito mamaya na ang picture taking niyong dalawa." sabi ni mama galing sa resthouse.

"okay Steph." sabi ni dad kay mom.

Hindi kami masyado close ni mom kaya nginitian ko lang siya.

Mas gusto kong kasama si dad kasi sa tingin ko masyadong maraming tinatagong sikreto si mom. Unlike dad, lahat ng ginagawa niya sinasabi sa akin. Lahat ng gusto ko binibigay sa akin.

Pumunta na kami ni dad sa loob ng resthouse. Nauna akong maglakad at nasa likod ko naman ang daddy ko.

Ang saya ng bakasyon ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makasama ang aking pamilya. Sobrang swerte ko dahil mahal ako ng aking mga magulang. Dahil sobra silang busy sa kanikanilang business ay bihira ko silang nakikita. Kaya ganito nalang ako kasaya.

Ngunit hindi pala magtatagal ang aking kasiyahan. Dahil may narinig akong isang putok ng baril mula sa aking likuran.

Buti nalang at nakayuko ako agad dahil kung hindi ako ang tatamaan. Natakot ako dahil baka natamaan ang minamahal kong daddy.

I Fell Inlove With My DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon