(c) lilninja. All Rights Reserved. 2012.
Sorry, no prologue.
---
ONE .
Napaligiran ng amoy ng dagat si Kath habang naghihintay siya sa kotse, blind fold on, sinusubukang hulaan kung saan siya dadalin ni Daniel. Napangiti na lang siya ng maisip niya na baka may romatic dinner na hinanda si Daniel para sa kanya dahil 2nd anniversary na nila. Tapos baka malapit yun sa beach. At sigurado na si Kath na magpo- propose na si Daniel ngayon. Nung una nilang anniversary, akala niya gagawin na ni Daniel. Pero di pala. Nung tinanong naman niya kung bakit, all he answered in response was that even though he did love her, hindi pa siya ready na mag settle down, and never siyang magiging ready.
Pero may feeling si Kath na magpo- propose na talaga siya. Mraming pwedeng magbago paglipas ng isang taon, diba?
-
"Matagal pa ba?" tanong ni Kath, inip na inip na.
Napangiti na lang si Daniel. "Calm down, missy. Malapit na tayo. At wag mong tatanggalin yang blind fold hangga't di ko sinasabi."
Napasimangot si Kath, pero pumayag naman siya. Hirap kaya ng walang nakikita.
A few minutes later, nakarating na din sila. Bumaba si Daniel ng kotse at binuksan ang pinto ni Kath.
"Kelan ko pwedeng tanggalin to?" Nag pout si Kath. Inaalalayan na siya ni Daniel sa paglalakad.
"Malapit na nga. Wag kang atat."
Naramdaman ni Kath yung buhangin sa may paa niya. Napangiti siya.
"Malapit na ba tayo, DJ?"
"Ay ang kulit naman ee. Malapit na ngaaa." Natawa si Daniel sa ka-atat-an ni Kath.
Soon they stopped walking and Daniel left Kath's side.
"Oh ayan. Pwede mo nang tanggalin." Medyo malayo na siya kay Kath nun, kaya medyo malakas na yung boses niya.
Inabot ni Kath yung buhol sa likod at tinanggal na yung blind fold.
Once her eyes focused, she couldn't help but smile.
It was perfect.
Daniel was sitting on a blanket on the sand a few feet away, a guitar in hand.
Sa likod niya, may mesang nakabalot ng white cloth, may kandila, tska dalawang plato na may pagkain na, dalawang baso at isang bote ng wine.
Pagkatapos niyang pagmasdan ng lahat ng yun, binalik niya yung tingin niya kay Daniel.
"This is amazing," bulong niya, pinipigilan ang mga luha.
Umupo siya sa tabi ni Daniel. "You are the best boyfriend ever. I love you."
Ngumiti si Daniel at niyakap si Kath.
"I love you too, Kath."
The rest of the date was completely perfect. Daniel sang a song he had written for Kath. Yung pagkain, napakasarap. Tapos nagyakapan lang sila sa may kumot at tinitigan ang napakagandang buwan. Naghihintay lang si Kath na kunin ni Daniel and singsing sa bulsa niya at tanungin na siya kung gusto niya bang mamuhay habang buhay kasama si Daniel.
Pero walang nangyari.
Pero in-enjoy niya pa rin yung gabi. Umaasa pa din. Akala niya kasi susurpresahin lang siya ni Daniel ee.
So nagpakasaya lang siya.
Kuntento na sa buhay.
-
Nakatayo lang sila ngayon sa harap ng bahay ni Kath, smiles evident on their faces. Lagi silang merong 'goodnight kiss' kahit na magkasama na sila sa iisang bahay.
"This... tonight... it was just amazing." bulong ni Kath, nakangiti pa din.
"Buti naman nagustuhan mo." Sagot ni Daniel at hinawakan si Kath sa may bewang, dahan dahang hinihila si Kath palapit.
Next thing they know, his lips crashed against hers in a passionate dance of love.
Nung naghiwalay sila, pinagpatuloy ni Kath ang pagngiti, umaasa pa din na magp-propose na si Daniel.
Pero hinalikan lang siya ni Daniel sa noo, sabay bulong na mahal na mahal niya si Kath. At pagkasabi niya nun, bumitaw na siya sa bewang ni Kath at naglakad papunta sa pinto at pumasok na sa loob.
Naiwang nakatayo lang dun si Kath, feeling like a complete idiot.
Di nagbago ang isip ni Daniel.
Not even for her.
--
New story guys :) Inspired ee :) Hahaha. First to comment may dedication :DD
ANYWAYS ! 20 years old na si Kath dito, and a year older naman si DJ ok ? :) Baka kasi magtaka kayo kung bakit sila magkasama sa isang bahay -__- That's the way they roll ee! :)
So, enjoy reading. Mahaba to! Di katulad nung RunAway na kapiranggot lang ;)
Night :***
BINABASA MO ANG
Perfect Two - (on hiatus)
FanfictionDalawang taong pagsasama. Para kay Kath, sapat na ang panahong yun para mapatunayan nila sa isa't isa ang pagmamahal nila. Ang tagal niyang umasa na papakasalan siya ni Daniel. Pero walang nangyayari. "Di pa ako handang magcommit sa ganyang kalalim...