FOUR.
Napabuntong hininga si DJ.
"Dati pa yun, isang taon din ata bago ko makilala si Kath. It was a day after my 21st birthday, tapos ayun. Nagcecelebrate kami.
And I was completely drunk. Tapos may nakilala akong babae, galing siya Mexico, and she was illegally here.
Paalis na din siya dito, pero sa sobrang kalasingan at katangahan ko, I actually married her. I knew her like 12 hours or so. Di ko na nga matandaan name niya ee. "
"Eh bakit di ka na lang makipag- divorce?" tanong ni Quen.
"Kasi pag gising ko kinabukasan, wala na siya. E dahil sa katangahan ko ulit, hinayaan ko na lang, hanggang sa di ko na naayos. Kaya tuloy, di ako makapag propose. Tska magiging sobrang mahirap hanapin ulit yung babae. And maayos na naman kami ni Kath ng ganito." DJ answered with a shrug.
"Edi sabihin mo na lang yung totoo."
"E engot ka din eno? Malamang ipapahanap niya sa akin yung babae. Di na namin kailangan nun."
"Mas engot ka kaya. Sabi ni Julia sa akin, pinag iisipan daw ni Kath kung makikipag break ba siya sayo o hindi."
Napatigil si Daniel sa kung ano man ang ginagawa niya at napatitig kay Quen.
"Ako wag mong pinaglololoko ha. Di nakakatuwa."
"Sino ba nagsabeng nagjojoke ako? Tss. Tanga mo."
Daniel sighed, running his fingers through her hair.
"Bakit naman? Masaya naman kami ng ganito lang ha."
"Josko naman. Tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan lang? Gusto niya nga ng commitment. Inaakala niya na takot ka lang. Yun ang sabi ni Julia."
"Di pwede! Di kami pwedeng magbreak dahil lang dun."
"Edi sabihin mo sa kanya yung totoo o kaya magsinungaling ka na lang kasi kung hindi, she'll eventually break up with you for good."
"Sht. Hoy lalake, wala kang pagsasabihan nun kahit kanino ha? Yung pagiging kasal ko sa iba?"
Napa isip si Quen ng matagal, pero pumayag din naman siya.
---
Kakalabas lang ni Kath at Julia ng opisina ng nagtanong si Kath.
"Dapat ko na ba talagang tapusin pinagsamahan namin?"
"Alam mo, kahit na gusting gusto ko kayo, pero di ka naman niya pinapasaya, then oo. Tapusin mo na kasi ikaw lang nahihirapan."
Kath sighed.
"He makes me happy, maybe too much. Pero sa tingin ko, di lang talaga siya handa para magkaron ng asawa... o maging tatay."
"Teka. Gusto mo ba magkaanak?"
"Well, oo naman. Alam ko na gusto ko. Pero di pa talaga namin napaguusapan."
"Edi pag usapan niyo. Pero tandaan mo, baka di pa talaga siya ang para sayo. Alam kong mahal na mahal mo si DJ, Kath, pero minsan, di yun sapat para pagtibayin ang relasyon ng dalawa, kahit matagal na yung pinaghirapan."
---
"I'm home!" Sigaw ni Kath.
"In here, babe!" sigaw ni DJ pabalik.
"Oh, akala ko ba bibisita si Quen dito?" tanong ni Kath hanang tinatanggal ang sapatos at jacket niya.
"Kakaalis lang niya."
"Ah ganun ba? Anyways, I want to talk to you about something."
Di alam ni Daniel kung bakit, pero bigla siyang kinabahan. Eto na ata yung sinasabi ni Quen. Makikipag break na sa kanya si Kath.
"Ok." sagot niya, pakiramdam niya, nasusuka na siya.
"Pero gusto ko muna na malaman mo na mahal na mahal kita." Dagdag niya, just in case.
Napangit si Kath. "Mahal din kita. Anyway, what I want to talk about is.."
"Yes?"
"Us having kids."
Napatigil si DJ, habang nakatitig lang si Kath sa kanya, naghihintay ng sagot.
--
OK so alam kong ang panget nito to the highest level.
LATE na nga, super duper to the max sh*t pa kinalabasan -___-
SORRY talaga.
I was busy doing things ee.
SORRY again ><
BINABASA MO ANG
Perfect Two - (on hiatus)
FanfictionDalawang taong pagsasama. Para kay Kath, sapat na ang panahong yun para mapatunayan nila sa isa't isa ang pagmamahal nila. Ang tagal niyang umasa na papakasalan siya ni Daniel. Pero walang nangyayari. "Di pa ako handang magcommit sa ganyang kalalim...