Perfect Two; three

399 10 4
                                    

SORRY kung ngayon lang nakapag update ha? ><

Masyado kasing maraming nangyareee.

Super busy sa school at nag away pa kami ng bestfriend ko.

SORRY talaga ha? Babawi na lang ako.

Bibilisan ko mag update next time, tapos na din naman hell week ee :)

---

THREE.

Napahinga si Kath ng malalim at nagsalita sa phone niya. 

"Di ko na alam Julia. Sabi niya, mahal niya ako, at di niya kaya ng wala ako. Pero, di naman niya kayang itali sarili niya sa akin. Sabi niya, gusto niya forever kami, e bakit di pa niya simulan ngayon diba?" 

"Di ko din alam. Malay mo, di pa siya handa at natatakot pa?" sagot ni Julia.

"E bakit naman siya matatakot sa kapirasong papel? Tska, di ba parang worth it yun kasi gusto niya ako makasama." balik ni Kath.

"E kung sa tingin mo e kapirasong papel lang yun, e bakit gusto mo pang magpakasal?" tanong ni Julia.

Napahinga ulit ng malalim si Kath. Alam niya na itatanong yun ng kaibigan.

"Kasi gusto kong maging official kami. Na akin lang at akin lang siya, at ako naman ay kanyang kanya lang. Gusto ko na kahit di man kami magkaintindihan, kami pa rin hanggang dulo. Ang kasal naman kasi dapat forever ee. Di ako naniniwala sa divorce. Tska kung di kami magpapakasal, malay natin, may mangyaring masama pa diba?"

"Alam ko naman ibig mong sabihin. Siguro dapat kausapin mo na lang siya tungkol dito diba?" sabi ni Julia sa kaibigan, baka sakaling makatulong.

"Nakausap ko na nga siya tungkol dito. He wouldn't change his mind. Tska, ayoko namang pakasalan niya ako dahil sinabe ko. Aish, di ko na alam gagawin ko." Napahiga na lang si Kath sa kama nila.

"Maybe you should break up with him."

--

"E bakit di mo na lang siya pakasalan?" 

Tanong ni Quen kay Daniel sabay upo sa tabi nito sa couch. 

"It's complicated pare ee."

"May pa-complicated complicated ka pang nalalaman. Di mo ba siya mahal?" 

"Mahal naman syempre. Buong puso pare. Gusto ko akin lang siya hanggang kabilang buhay."

Iniisip pa lang yun ni Daniel, napapangiti na siya. 

"E yun naman pala ee. E bat di mo pa pakasalan?" pangungulit ni Quen.

Napapikit si DJ bago sumagot.

"E pare, I'm sort of, already married."

"ANO?!" tanong ni Quen. Halatang gulat na gulat sa sinabe ng bestfriend niya.

Napabuntong hininga si Daniel.

"Oo, tama narinig mo. Kasal na ako. Pero di ko naman mahal yung babae. Di ko nga matandaan pangalan niya ee." sagot ni Daniel at napatingin sa kaibigan.

"Explain." 

--

NEXT chapter coming right up XD

WORST chapter? Gahd. Wala pa akong tulog ee -__-

Perfect Two - (on hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon