Chapter 4 - Charm

12 1 0
                                    

Chapter 4 - Charm

Ang bilis ng panahon. July na agad. Mid-term exam na namin next week. As in buong week puro exam lang, bagot diba?

Review? Naaahh. Stock knowledge lang pak na. Hahaha.

Nakakatamad din ngayong week dito sa school. Puro long quizzes eh. Hayy. Walang katapusang exams. Okay lang sana kung puro math subjects, pero hindi eh. Huhu.

Pasok, quiz, uwi. Pasok, quiz, uwi.

Ganyan lang ako buong week na ito. Hay buhay.

Simula nung Monday, ganun na ang routine. Nakakatamad na.

Sa wakas! Today is Sunday na. Pahinga from quizzesss. Yes! Ieenjoy ko to dahil bukas start na naman ng exams! Kalungkot. Stress-week next week.

Buti nalang at nakikisama yung panahon sa pagpapahinga ko. Ang lakas ng ulan. Ang lamig. Lalong mas masarap mahigahiga lang at kumain-kain. Alam na this!

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba, diretso kusina. Hahanap ako ng malalafang nyehehe.

Pag bukas ko ng ref, kumuha ako ng chocolates at isang c2. Tapos kumuha naman ako mga chichirya sa may box sa tabi ng ref, dito nakalagay mga junk foods eh. Tapos ay pumanik na ulit ako at bumalik na ako ng kwarto ko.

Tagtamad na panahon talaga. Manonood nalang ako dito sa kwarto at magfofoodtrip. Wooo sarap!

Binuksan ko na ung tv at nanood sa cinema one. Moomoo yung movie kaya like ko.

Nang matapos na ung pinapanood ko, at ubos na rin ang foods ko, pinatay ko na ung tv. Wala ng magandang palabas eh.

3pm pa lang, nababagot na ako.

Ay oo nga pala! Bukas, exam namin sa chemistry. Paktay! Mahina pa naman ako sa science. Magreview kaya ako? Hmm.. Pag-isipan ko muna. Bwahahaha!

Isip.. Isip.. Isip..

Hmp, okay sige na nga! Magrereview na ko, wala na rin naman akong ginagawa eh. Naks! Bago to ah, ako talaga magrereview? Yay.

Agad ko ng kinuha ung book ko sa chemistry dahil baka magbago pa isip ko.

Nagsimula na ako magbasa. Hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog pala akong bigla.

Kita mo nga naman, kung kelan ko naisipang magreview, saka pa ako inantok at nakatulog. Wala talagang pag-asang makapagreview ang gaga.

Pagkagising ko, shemay! 7pm na agad. Kanina lang maliwanag pa sa labas, ngayon ang dilim na.

Babangon na ako at bababa, hahanap ako ng makakain. Gutom na ako nyahaha.

Natulog lang ako, nagutom na naman ako agad. Bakit kaya hindi ako tumataba? Well, gifted na akong maging sexy siguro talaga. Thank you, Papa Jesus. Hahahahaha.

Pag baba ko sa kusina, sakto nakapagluto na si Manang kaya kumuha na ako ng pinggan, kutsara at tinidor at nagsimula na kumain. This will serve as my dinner. Yum!

Pagkatapos ko kumain, niligpit ko na kinainan ko at nilagay sa lababo at pumanik na ulit sa kwarto ko.

Nagreview na ulit ako para sa exam ko bukas sa chemistry. Hindi ko nanaman namalayan na nakatulog nanaman ako.

*kring kring kring*

Nagising ako, sinilip ko kung anong oras na, 5am, at pinatay na ang alarm clock. 7am ang exam ko ngayon. Ang aga masyado hayy.

Tumayo na ako at dumiretso sa cr.

Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at nag-ayos. Bumaba na rin ako pagkatapos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon