Chapter 8

241 19 3
                                    

"Walang tatayong hindi busog ha?!" malakas na utos ng lalaki sa aming mga nakaupos sa palibot ng hapag-kainan habang sunod-sunod na inilalapag ang malalaking servings ng kanin, chami at longganisang lucban na kahit tatlong matanda at dalawang bata lang kami sa lamesa ay mukhang pang sampung katao ang nakahain, "Tirahin nyo yan at wag mahihiya! Hala sige! Sugod!"

"Wait wait!" singit ng maliit na batang babae sa tabi ko, "Let's pray first okay? In the name of the father..."

Tinapunan ko ng meaningful na tingin si Kowru na nakahalata naman at ginaya naming sabay ang pagsisign of the cross ng mga bata habang nakangiti sa amin meaningfully ang lalaking kalong si Sherro na nakapikit ang mata at taimtim na nagdadasal.

"Amen..." tapos ng bata na ginaya namin at nagsimula na din sa wakas ang pagkain.

"Oh mga anak walang mapili sa kain ha? Lahat titirahin, ikaw din Sherro, wag pihikan! Sumbong kita sa nanay mo!" utos ng ama sa bata na mukhang natakot at kahit halatang ayaw eh pinilit kainin ang sinandok na gulay ng ama habang tahimik at mabilis na kumain ang katabi kong bata.

Tumingin sa amin ang padre de pamilya, "Damihan nyo kain ha? Magtatampo ako pag di kayo kumain ng madami! Believe me, masama ako magtampo!"

"Oo nga po. Nagulong sa sahig si tatay pag nagtatampo," sang-ayon naman ng batang babae na nagpatawa kay Sherro.

"Hoy! Bata ka! Wag ka makitawa!" giit ng ama habang gigil na pinipisil ang pisngi ni Sherro na hindi na mapigilan ang pag tawa, "Ikaw na nga bunso na dapat nasalo sa akin, nilaglag mo pa ako!"

"Eh totoo naman tay diba. Nung minsan nga gulong ka sa pintuan ng kwarto nyo ni nanay kasi nagalit sya sa iyo?" the girl beside me said matter-of-factly sabay subo.

Napatawa na lang kami ni Kowru at nagsimula na ding kumain. Masasarap nga ang inihain sa aming pagkain na bili ng padre de pamilya sa bayan bago umuwi.

"Sir Brycen, nasaan po si Tita Polli?" tanong ni Kowru sa tatay na nagpapakain ng anak.

"Naku, namagod ata kakakusot ng damit nitong batuta na ito kaya namahinga muna. Isang linggo kasi akong kailangan ni Brix sa opisina kaya naiwan syang solo kasama ng dalawang bunso ko. She is at her limit today to say the least kaya humingi na ng tulong kila Cistina," paliwanag nito sa amin smoothly na tinanggap agad ni Kowru.

But not me...

Unlike his wife, this man cannot hide the truth cleanly that I will fell for his excuse.

She is not here because something happened earlier. May nasabi kami ni Kowru earlier na one way or another triggered something big and painful inside her mind and heart na hindi nya inirisk na humarap sa amin knowing full well na wala sya sa kondisyong itago ang kanyang nararamdaman that I won't notice it.

Truly, she knows when to fight and when to retreat when odds are stacked against her.

As expected from nothing less but the best student the Almorican ever produced up until this very day. Hindi talaga press release lang ang sinasabi nila na kahit two years lang ang tinagal nya sa Almorica at sa V.U ay naging hadlang ito para masabing isa syang tunay na Almorican through and through.

Nagpatuloy kami sa pagkain at ng halos maubos na namin surprisingly ang pagkain sa mesa ay pinatulog na ni Brycen ang kanyang mga anak samantalang si Kowru naman ay napilit kong matulog na ng maaga para naman makabawi sya.

Kung puyat at pagod na ako, hindi naman hamak na mas pagod sya at ang mga empleyado ko these past few weeks. Triple time ang trabaho namin at kahit weekend ay nagsasakripisyo kami para lang masigurado na magiging fruitful ang binabalak namin.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon