3rd

72 6 1
                                    

Kiss

Habang nagkaklase. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang boring dito. Sana naman magkaroon na ako ng mga kakilala dito para hindi ganun ka boring.

"Heyy! Heyy miss! Huy" ani ng lalaking tinatawag ako. Ano bang meron? Hayst nakatulog nga pala ako. Anubayaaan mayghad nakakahiya. Hindi dapat natutulog ang isang tulad kong maganda sa kung saan saan lang. Chos

"Wala nang tao o. Uwian na. May balak ka bang umuwi? Baka ma lock ka dito sa room" lumingon lingon ako at wala na pala talagang tao at kami nalang dalawa. Buti ginising niya ako. Naku naman

"Thank you sa paggising saken ah" sabi ko.

"Uuwi ka na ba? Gusto mo sabay na tayo? Kung okay lang?" Tanong niya.

"Ah sigeh thank you nalang pero mauna ka na. Pupunta pa kasi akong library eh. Gagawin ko yung assignments natin sa science"  sabi ko habang nakangiti.

"Ah ganun ba? Kung ganon sige una nako" nakangiti rin siya. Yiee. Wews.

"By the way san nga pala location ng library dito?

"Paglabas mo ng room natin diretsohin mo lang yan tapos kumanan ka sa isang corridor then hanapin mo yung pintuang may nakasulat na "library"

"Thank you" maaga pa naman para umuwi kaya pupunta muna akong library.

Nauna na siyang maglakad at nasa likod niya ako. Ang tangkad niya.

Lumiko siya sa kaliwang corridor papuntang exit ng school at ako naman
Sa kanan papuntang library. Hehe sipag ko no? Echos

Hinahanap ko yung pintuang may nakasulat na library.
Ito na ata yun. Color brown na door at may sign na library.
Kumatok muna ako at dahan dahang pinihit ang doorknob pabukas.
Wow di aircon pala to. Richkid. Haha

Dumeretso na ako sa pinakadulong table para walang gumambala saakin. Inilapag ko muna ang bag ko bago kumuha ng libro ng chemistry.

***
Habang ginagawa ko yung assignments ko hindi ako maka consintrate dahil sa dalawang naglalandian sa tabi kong table.
Grabe dito pa sila nagharutan sa library ah. Ang ki-clingy hayst. Ang babata pa malalandi na.
Sinasabi ko sa inyo mga te walang forever mamamatay din kayo.

"Biii ano na? Asan na kiss ko?"sabi nung lakaki.. kngina ah.
"Ayoko nga baka may makakita sa atin eh"
Talagang may makakakita sa inyo mga unggoy.
"Hindi yan wala namang may pake satin kasi busy silang lahat" akala mo lang wala. Tch!!
"iiih nakakahiya" pabebe ampts.
"Kahit 1 seconds lang plsss" nagpacute pa. Kala mo talaga eh. Umpog kita sa pader eh.
"Sige na nga. Basta saglit lang ah"
Akma nang hahalikan nung babaeng clingy yung lalake nang...

"Ehem ehem." Kunwari napa ubo ako para hindi matuloy at para aware silang may nakakaalam ng ginagawa nila. Ang haharot.

"Sabi sayo ih. Tara na nga labas na tayo"
"Pfft. Kasi naman ih. Tara na nga"
At tuluyan na silang lumabas.

Ayan sige lumabas na kayo mga walang hiya. Ano na bang nangyayari sa mundo? Malapit na ba ang the big one?

Hayst ayun tuloy nakalimutan kong may ginagawa pala akong assignments. Umayos ako ng pagkakaupo at ipinagpatuloy ang ginagawa.

3 o'clock na nang napagdisisyunan kong umuwi na dahil tapos ko na ang mga assignments ko. Hirap maging nerd walang friends.

Pagod akong nakarating sa bahay namin dahil sa paglalakad. Next time sasakay ako ng trycicle.
Sinalubong ako ni mama ng may ngiti sa labi. Sarap sa eyes.

"O nak! nakauwi kana pala. Kumusta school?"
"Okay lang ma. Wala pa namang struggles"
Pumasok na kami sa bahay.
" what do you want to eat? Baby?"
Wutttt? Baby dapak.
"Mama naman ih. Hindi nako baby no! Tch"
"Ikaw parin ang nagiisang baby sa puso ko...so what do you want to eat for dinner? May chicken curry dyan at humba. Ang paborito mo"
"Sige po kahit ano magbibihis lang po ako"
"Sige ipaghahain na kita. Bilisan mo ah"

Umakyat na ako sa hagdanan at tumuloy sa kwarto ko. Humiga muna ako ng 5 minutes at nagbihis saka bumaba.

Pagkatapos kumain ay wala na kong ginawa kundi mag laro ng maglaro sa ipad ko.
GAMES
SLEEP
EAT
SLEEP.

Ganya ka boring ang buhay ko.

_______________________________________

Hi guys.
Umaabot lang ng 700 words ang ginagamit ko sa bawat updates. Hindi talaga ako profesional eh. Hihi
If you like my story. Vote and comments please Hihi.

-Binibiniiii_


Some Type Of Nerd (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon