Tagpuan

386 7 2
                                    

Makulimlim ang kalangitan at nagsimula nang pumatak ang mumunting butil ng ulan. Binilisan ko ang aking paglakad at kaagad na nagtungo sa madalas nating puntahan.

Kagaya nang inaasahan, naroon kana, hawak-hawak ang paborito mong libro na sabi mo'y ikukuwento mo sa akin pagkatapos mong basahin. Nakalapag na rin ang dalawang tasa ng kape sa kahoy na mesa.

Nanatili pa ako ng ilang sandali sa labas ng pinto. Maya-maya'y napadako ang tingin mo sa direksiyon ko. Kaagad kang tumayo at naglakad ng may ngiti sa iyong labi. Ngunit napawi lahat ng kasiyahan ko nang lagpasan mo ako.

Lumingon ako sayo at sa babaeng nasa likuran ko. Hinawakan mo ang kanyang kamay at sabay kayong pumasok sa loob. Tila sinampal ako ng reyalidad na hindi na nga pala tayo.

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon