Stranger

19 2 0
                                    

L a i G u a n l i n F a n f i c t i o n

"Stranger"

Lyn's P.O.V

"Ano ba?! Can't you understand?! Wala na tayo, Lai Guanlin! Pwede ba tigilan mo na ko?! Nakakasawa ng pakinggan yang mga sinasabi mo!" kusang napadilat ang mga mata ko ng marinig ang isang babae. Dinungaw ko ang ilalim ng puno mula rito sa sangang kinauupuan ko at nakita ang isang babae na mukhang may kinakausap. Hindi ko makita yung mukha ng isa dahil sa lecheng mga dahon. Kainis.

"We're over Guanlin. Tapos na tayo." Aalis na sana iyong babae ngunit may kamay na humawak sa braso niya. Isa na namang kadramahan ang masasaksihan ko. Sacred place ba ang lugar na to para sa mga magshotang magbre-break? Nakakasawa na.

"Please, Snow. Don't leave, we can work this out." Narinig kong pagmamakaawa ng lalaki sa isang napakakalmadong tono. Napairap na lang ako nang hinarap siya nung mestisang babae, pakipot pa bibigay rin naman. Tch.

"Oh. Interesting." I whispered with full of sarcasm. I rolled my eyes heavenwards. Same cycle na naman ang magaganap ngayon. Duh. Halos araw-araw may pupuntang couple dito para kesyo daw aayusin ang relasyon, o di kaya closure pero maglalandian, o gustong makipagbalikan nung isa kasi mahal pa. Tapos isang pa-kilig lines lang, bibigay agad, tas minsan hahalikan ng isa yung isa,una ayaw pa, in the end, go-gora. Tapos magkakabalikan, away ulit, pupunta rito para makipagbreak. Leche.

"Please, Snow. Please, I'll do anything just--- just don't leave me. I love you, Snow. I really love you." The guy pleaded. My jaw dropped when I saw him kneeling in front of the girl. Wow. This is my first time in history seeing a guy kneeling para lang hindi siya iwan ng girl! Akala ko mga babae lang ang pathetic, yung tipong ayaw na nga ng ex niya, luluhod pa at magmamakaawa, may mga lalaki din pala! I salute you bruh! Kaso iiwan ka rin yan. Walang forever.

Nakita kong itinaboy ni ate girl yung kamay nung lalaki at nagwalk-out. Akala mo nasa runway na rumarampa pagnaglalakad to. Tch. Tiningnan ko ang guy na sinusundan ng tingin ang babae hanggang sa hindi na ito makita. Humarap ang lalaki sa puno at nakita ko kung paano tumulo ang mga luha sa mata nito. Bigla akong napakunot-noo. How can that girl leave this tall, good-looking guy? I shook my head. Aish. Lyn it isn't your problem anymore. Bumaba ako ng puno not minding the guy beside the tree. Aalis na sana ako ngunit may sariling utak yata ang mga paa ko at dinala ako sa lalaking nasa tabi ng puno. He lifted his head and looked at me. Umirap ako at kumuha ng candy sa bulsa.

"Here." Inilahad ko sakanya ang isang lollipop. Sa halip na kunin niya ito, umiwas lang siya ng tingin. Napataas ang isangkilay ko, How dare he ignore me?! Ako na nga tong nagmamagandang loob na i-cheer up siya, siya pa tong may ganang mang snob. Wow.

"Whoever you are, leave me alone." Sambit niya sa isang malamig na tono. Imbes na sundin siya, inilagay ko sa kamay niya ang lollipop at umupo sa tabi niya. He looked at me with a confused expression.

"I told you to leave."

"You need someone to cheer you up." I smiled at him.

"I don't need you, leave."

"Nah-ah. I saw and heard everything na, aalis pa ba ko? Matapos makita kung anong ginawa mo?" I asked him. He just looked at the sky.

"She broke up with me." Napatingin ako nang magsalita siya. Umirap lang ako. Narinig ko na nga lahat diba? Jusq.

"Hindi mo kailangang mag-open sakin kung ayaw mo." Sabi ko sakanya at nilagay ko ang lollipop sa bibig ko.

"We were okay until she told me that she don't love me anymore. Sawa na daw siya sakin, kesyo pagod na raw siya, sabi niya may mahal na siyang iba. How is that even possible? Was she cheating behind my back? I found out that it was all a lie, it was just an act, a fucking act. Habang may relasyon kami, meron pala siyang iba. I thought her feelings were sincere but fuck." I just listened to him. Nilabas niya ang lahat sa isang stranger na kagaya ko. I just met him but he told me everything. Simula noong magkita sila hanggang sa ngayon, sinabi niya sakin 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WannaOne Oneshot Stories (Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon