Lesson 8
"Maxine"Dumating si River sa abandunadong gusali upang sagipin si Max.
"Oy River.. akala ko wala kang balak dumating eh.."
wika ni Gary.
Nakita ng binata na nakatali sa isang upuan malayo sa kanya at wala itong malay.
"Anong gingawa nyo sa kanya?!"
galit na tanong ni River.
"Oh! Easy ka lang.. wala pa kaming ginagawa sa kanya.. pero kapag pumalag ka meron.."
sagot ni Gary.
"Ano bang gusto nyo?!"
tanong ulit ng binata.
"Ganito lang naman ang gusto namin.. ang gusto namin ay magulpi ka.. pero bawal kang lumaban.."
paliwanag ni Gary.
"Tsk! Ganyan ba talaga kayo kaduwag!?"
inis na tanong ng binata.
"Hahaha!! Hindi kami duwag.. matalino lang kami! Hahahaha!!"
tugon ng lalaki at nagtawanan din ang mga kasama nito.
"Teka para sigurado kami na hindi ka gaganti.."
dugtong nito at ipinitik ang daliri. Tututukan na dapat ng patalim ng isang lalaki si Max ngunit bigla itong nagising at nagpumiglas makawala.
"Hoy! Awatin nyo yan!"
utos ni Gary.
Nasugatan si Max sa patalim at nagawa syang busalan sa bibig ng isang lalaki.
"Magbabayad kayo!"
sigaw ni River at umamba na susuntukin ang isang lalaki.
"Sandali!!"
sigaw ni Gary at may nakatutuk na napatalim sa leeg ng dalaga habang hawak-hawak ulo nito.
Sinubukan pa din pumiglas ng dalaga at nasugatan ito sa patalim.
"Teka! Huwag nyo na syang tutukan ng kutsilo! Hindi na ko lalaban.."
wika ni River.
Inalis ng lalaki ang patalim na nakatutuk sa dalaga. Sinubukang magsalita ni Max ngunit hindi nya magawa dahil sa nakabusal at nakatali sa kanyang bibig.
Sinimulang suntukin ni Gary si River sa sikmura ngunit ininda lang ito ng binata.
"Aba.. matigas ka huh!"
gigil na sabi ng lalaki at muling sinapak ang binata.
Hindi pa din natinag si River kaya sumenyas na si Gary sa lalaking nasalikuran ng binata.
Hinampas ng tubo ang binata, dahilan upang sya ay mapaluhod. Sinundan pa ito ng isang sipa ni Gary at tuluyan na syang natumba.
Pinipilit na sabihin ni Max na itigil na ang ginagawa sa binata ngunit hindi nya magawa. Maya-maya ay lumapit na ang isang malaking lalaki.
"Akala ko ba matigas ang isang to.."
tanong ng lalaki.
"Aahh Junior.. akala ko din eh.. baka naman nagpapanggap lang.. sige na.. gulpihin mo na.."
sagot ni Gary.
Itinali ng isang lalaki ang mga kamay ni River at saka sya ibinitin. Nagsimulang syang suntukin ni Junior sa sikmura at napasuka pa sya dahil dito.
BINABASA MO ANG
I'm dog's pet
ComédieA troublesome student woke up one morning and found out that he and his dog switch with each other body.. will they able to to return back to their normal life?