Natatandaan mo pa ba?

265 4 0
                                    

Natatandaan mo pa ba?

Yung mga panahong may pahawak-hawak siya sa buhok mo, sa mukha mo habang nakatitig sa mga mata mo, at sa mga kamay mo sabay sabing, "Hinding-hindi kita bibitawan."

Natatandaan ko pa 'yon.

Ikaw ba?

Natatandaan mo pa ba kaya yun?

Natatandaan mo pa pero wala nang tayo. Tinapos ko na lang din yung kung anong meron tayo kasi ikaw na mismo nagbigay sa akin ng dahilan para bumitaw.

Oo.

Ako yung unang bumitaw.

Binitawan lang naman kita para makita ko kung nakakapit ka pa ba.

Ang Sakit Mong Magsalita (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon