Chapter One

150K 2.6K 114
                                    

LAKAD takbo ang ginawa niya upang makarating lang sa loob ng hospital, nakasuot pa rin siya ng damit pangmadre niya. Actually last day niya sa pagsusuot niyon ngayon pero dahil sa nakuha niyang balita mula kay Rayleigh na nasa hospital daw si Bree. Ang babaeng iyon buntis na raw mabuti nalang at nagkaayos na ito at si Allyxel. She hasn't seen that guy in person pero nakikita na niya ito sa mga magazines and internet.

Natutuwa naman siya at least nakamove on na ng tuluyan ang kaibigan niya sa nakaraan nito. Akala niya ay itutuloy talaga nito ang trip nitong maging single parent mabuti nalang at hindi nagtagumpay ang plano nitong kabaliwan overload. At mas mabuti nalang matalino si Allyxel dahil si Bree ang napili ng puso nitong mahalin. At saka gagamitin pa niya ang love story ng dalawa para magkapera. Nakarating na siya sa room kung saan nakalagak ang kaibigan may naririnig siyang tawanan sa loob.

She opened the door and everyone's eyes are on her pero nakafocus lang siya sa source of income niya. Napangisi siya ng makita si Bree, nasa ibabaw ito ng hospital bed na may kinakain at katabi nito si Allyxel. Hindi na masama, panglamang tiyan din panglife time nga lang. Ang swerte ng bruhang kaibigan niya she deserves the best of everything.

"Yes! I got the news Bree, congratulations and to you too Allyx. And congratulations to me too tapos na rin ako sa mga nobela ko pwede ko ng tigilan itong pagpapanggap ko na madre. Ang init nito." Kanina kasi ay nagpaalam na siyang hindi itutuloy ang pagmamadre niya dahil nainlove daw siya. Siya na ang sinungaling, ang galing niyang magtahi ng kwento. Hinubad niya ang suot na abito.

"Kung makapag-hubad ka naman parang bahay mo lang ito? May lalaki dito no." nanlalaki ang mga matang sita nito sa kanya, she just grinned wala naman siyang pakialam dahil hindi naman siya ganoon ka-akit-akit sa mga mata ng mga tao. At mas lalo na sa mga mata ng lalaking katabi nito na nakatitig lang kay Bree whole the time. Mukhang nag-eenjoy ito sa pagtitig sa katabi nito.

Bree is her snow white, hindi man halata but she loves her friend more than a sister. They are like a family to her kaya nga kahit anong mangyari hindi niya ipagpapalit ang mga ito. Rayleigh is her own little Belle, she's a real beauty and she doesn't even know it. She always has her nose on her camera. And she on the other hand is a normal observant, taga-panood sa mga nangyayari sa paligid niya.

"Duh, wala namang kaakit-akit sa ginawa ko at saka hindi ko pwedeng akitin iyang boyfie mo hindi nga niya magawang tumingin sa akin. Peace dude!" nagsign of peace siya kay Allyxel na sumulyap sa kanya at nagpeace sign din. Cool! Ang akala niya ang mga mayayamang tulad nito ay snob hindi naman pala.

"Hindi naman si honey ko ang ibig kong sabihin kundi iyon." Nguso nito sa taong nasa likod niya. Mabilis siyang lumingon only to find out two people looking at her in different way. Iyong isa ay isang maganda at morenang babae na may chinky eyes na nakangisi lang sa kanya. Habang iyong isa ay isang gwapo, may broad chest, may abs, may taut hips, may... ohlala again. Napaawang ang mga labi niya.

"Ikaw iyong mama sa simbahan. Nahanap mo na ba ang hinahanap mo? Pasensya na nga pala hindi ako madre eh kaya hindi counted iyong pambebless ko sa iyo." Nasabi niya ditong bigla napakurap ito at saka ibinaba ang pagkain nito. Napakunot ang noo ng lalaki at saka napatingin sa kanya at napakurap ng ilang beses.

"I-ikaw!" natawa siya sa pagsigaw nito loading kasi.

"Yup, ako." Nakangising binalingan uli niya ang kaibigan. That guy is such an eye candy and it hurts her eyes kaya kailangan na niyang ibaling sa iba ang kanyang mga paningin. "Hindi mo pwedeng pagurin ang kaibigan ko at kailan mo siya pakakasalan?"

Nanlaki ang mga mata ni Bree at biglang namula sa tanong niya kay Bree. Napangisi naman si Allyxel.

"ASAP." Mabilis na sagot ni Allyxel. "She needs to marry me ASAP dahil kung hindi idedemanda ko siya ng rape."

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon