SOMEONE'S POV

47 6 0
                                    

Someone's Pov

Maiinit ang panahon ngayon dahil papasok na ang summer. Bakasyon na din ng mga bata at animo’y mga langgam silang naglalaro sa daan. Pero ang kinagulat ko ay ang wang-wang ng police mobile na paparating.

Takbuhan ang lahat sa kung saan papunta ang mobile car nila.

May sumigaw na mama,

“May namatay sa gubat!"

Nagimbal ako sa aking narinig!Parang langit-ngit ng isang seldang kinakalawang na pinipihit.May namatay sa gubat??

Sumunod na rin ako sa mga taong nagsisitakbuhan.Pagdating sa pinangyarihan ng krimen.Marami na ang mga narinig kong bulung-bulungan ng mga tao.Animo'y mga bubuyog at palaka sila sa kanilang mga ginagawa.

Tumigil ako sa aking kinatatayuan.Marami akong nakitang nagsusuka ang iba'y maraming inilalabas habang may naghahagod sa likod nito at meron din namang walang inilalabas at pilit lang na pinalalabas.Siguro'y hindi nilq kinaya ang kanilang nakita.

Dahil na rin sa aking curiosidad.Lumapit ako sa mga taong nagkukumpulan at pilit nagsusumiksik makarating lang sa harap upang masilayan ko ang sinapit ng biktima.

Nang makarating ako sa harap.Tulala at nanginig ako sa aking nasakhihan,nagsitayuan ang aking mga balahibo at hindi ko maipaliwanag ang expression sa aking mukha ng mga sandaling iyon.

Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan.Sinusuri ko lamang ang biktima.Habang ang mga police ay sinusuri ito at hindi magkaundaga ang isang lalaking police na nasa 6'5 ang tangkad sa pagflash ng camera nito.Kinukuhanan ng litrato bawat anggulo ang biktima.

"Sino kaya ang may gawa nito?"Tanong ko sa aking sarili.Base sa pagsuri ko kanina sa biktima mukhang hindi siya taga dito.May isang Police ang nagsalita.

"Hindi taga dito ang biktima. At hinihinala namin na baka pinatay ito sa ibang lugar at dito lamang itinapon."Pahayag ng Matabang Police siguro ito ang kanilang leader.

Hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Dahil may parte ng aking isipan at nagsasabing pinatay siya dito.Ngunit ang tanong ko sa aking sarili sino ang may kagagawan nito??Mas masahol pa sa hayop ang gumawa nito, mukhang hindi tao.

Makalipas ang isang oras na pagsuri sa biktima at pangangalap ng mga impormasyon sa mga tao ay binuhat na ang bangkay at isinakay sa isang puting sasakyan na may tatak sa gilid at harap nito na "AMBULANCE".Tama ambulansya nga pamilyar na sa akin ang ganitong uri ng sasakyan pagkat malimit ko itong makita pag namamalengke kami sa kabilang bayan.

Unti-unti nang nagsialisan ang mga tao.Kayat nagpasiya na rin akong lisanin ang gubat at umuwi.Naglalakad na ako ngayon sa gubat kasama ang iba pa. Para silang mga palaka na hindi tumitigil sa pag uusap at nagbibigay ng sari-sariling panghihinala nila.

Maging ako man ay hindi ko mawari sa aking isipan ang taong gumawa nito.Napakalaking palaisipan sa akin ang nangyari.

Habang iniisip ko ang sinapit ng biktima at balikan sa aking isip ang aking nakita.Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng aming bahay.Bumalik lamang ang aking ulirat nga may tumawag sa aking pangalan..

"Celvia di ka pa ba papasok?"Tanong ng aking inay.

"Sunod na po ako inay"Sagot ko dito at nauna na siyang pumasok sa loob..

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga tsaka pumasok sa loob ng bahay habang iniisip ang nangyari.....

Field trip sa probinsiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon