Wattpad Is Life

3 0 0
                                    

"Ate! Ate! Pabasa naman oh!". "Bes, pahiram naman nang cellphone mo." "Pare nabasa mo na ba yun?" "Nak, bat ang sakit ng istorya." Mga salitang karaniwang napapakinggan. Mapa bata man o matanda, lalaki o babae, magulang sa anak, wattpad is life. Ano nga ba ang wattpad? Bakit sa iba naging wattpad is life?

Food is life, travel is life, sleeping is life. Magpapahuli pa ba ang wattpad is life? Isa lang naman ito sa mga sikat na aplikasyon na panlahatan na kung saan pwede kang sumulat at magbasa. Matanda man o bata, ang wattpad ay walang pinipiling edad. Lalaki man o babae sa wattpad ika'y hindi mahuhuli.

Ang mismong aplikasyon na ito ay ginagamit upang maka-basa ng iba't-ibang uri ng libro o genre ng libro at maaari ka pang makapag-download. Mayroon itong Science Fiction, Fantasy, Mystery/Suspense, Katatawanan, Paranormal, Horror, Thriller, Romansa at marami pang iba. Sa wattpad pinahihintulutan kang magbasa ng libre na kahit internet connection ay di na kailangan. Para sa mga taong fanatics maganda rin itong gamitin maliban sa libre mong mabasa ang libro ng iyong idolo, sa wattpad pwede karin makipag-usap sa mga manunulat.

Marami sa atin ngayon ang nawalan na nang oras sa pagbabasa lalo na ang pagpunta sa library. Kadalasang ginagawa ay naglalaro nalang ng online games sa cellphone o di kaya'y sa social media tutok. Masakit mang isipin pero pati ako hirap ng magbasa kung hindi naman kinakailangan. Magandang isipin na kahit nilamon na tayo ng online games at social medias, may naka isip paring lumikha ng aplikasyon na wattpad. At ang mas nakakaganda pa nito ay maraming tao ang tumatangkilik na gumamit sa naturang aplikasyon. Hindi na masama ang lubosang paggamit ng mga gadgets kung alam naman natin kung para saan at para ano. Lalo na kung sa wattpad oras natin ay ibahagi. Marami tayong makukuhang kaalaman at magandang karanasan na maaari nating masalamin sa ating buhay. Ang pagbabasa sa wattpad ay nakakatulong din upang mas maging malikhain tayo sa ating mga plano. Dito rin nasusukat ang ating kakayahan at galing kung hanggang saan ang kaya natin sa pagbabasa. Marami nang tao ang kinain sa wattpad. Halos buong araw at oras nila ay sa wattpad na naka tuon. Madalas sa kanila hindi na kumakain sa tamang oras at hindi narin natutulog sa saktong oras. Kaya wattpad is life. Pati sa klase ang iba sa wattpad nakatuon. Sabi nga nila mahirap nang iwasan ang bagay na iyong nakasanayan.

Sa kabila ng lahat, nakakatulong parin ang wattpad. Lalo na sa mga taong mas pinipili ang pagbabasa gamit ang cellphone kaysa sa libro. Ngunit kung ang paggamit sa naturang aplikasyon ay di naman nakakatulong sa ating pag-aaral ay mas mainam ng iwasan at bawas-bawasan ang pagbasa nito kung kinakailangan man. Lagi nating tatandaan na mas magandang gawin ang mga bagay na makakatulong sa atin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Kritika ukol sa Panitikang WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon