Camille Esteron😍❤❤
-----------------------------------------------------------Nasa labas ako ng gate at papasok pa palang sa aming school, haysssss, 1 weeks nalang at hayahay na ulit ang buhay
-
"Camilllllleeeeee!" Malakas na arat ng pangalan ko in Abby.
"Juskoo naman Abby ang lakas ng bunga nga ha!!? Todo makasigaw HAHAHAH!!" yan si Abby Sarossa, isa sa mga kaibigan ko, pinsan sya ni Edgar kaya naging close kami nyan, kagaya ko e maganda din sya at madaldal , mahilig sa gala at mapagmahal syempre.
" HAHAHAH! Camille naman, namiss lang kita! Ayieeeee" sabi ni Abby sabay hampas pa sa braso ko. Ito talagang Abby na to malaki laki din ang saltik tsk tsk tsk.
"Pinsan talaga oh, masyado makasigaw eh, panget nan ng boses mo. Wag mo ngang sigawan si Camille ko" pambabara ni Edgar kay Abyy. Well, lagi silang nagaasaran.
"Anong miss ka dyan? Loka ka talaga, parang kahapon lang mag kasama pa tayo HAHAHAH! sabi ko sa kanya ng masayang masaya .
"Camille mo?? Bakit kayo na ba??" Mataray na sambit nito.
"HAHAHA! Camille uuna na ang mga maganda mong bessy at may bibilhin pa ako, at ikaw lalaki kang may dalawang pimple sa noo, ingatan mo yang friend ko ha. Babushhh !!!!" Pag papaalam ni Abby sa akin, nag beso beso muna kami bago sya umalis, ako naman ay nag derediretso na lang sa pag lalakad.
Habang nag lalakad ako sa hallway papunta sa 2nd floor sa room ko, marami na namang mga bubuyog na nagsisibulungan.
"guysss ang swerte swerte naman in ate Camile"
" oo nga, sana makatagpo ako ng gwapong lalake kagaya ni kuya Edgar"
"Tas ang ganda ganda pa ni ate Camille, at pogi naman si kuya Edgar, bagay talaga sila!!!!"
Tsssss. Swerte pa ako, malas nga eh. Kasi mahal ko na itong lalaking ito ang kaso ginagago ako. Ang ayoko sa lahat ng lalaki yung malihim at sinungaling!
"Kapal ng mukha, Mas bagay kame ni Edgar my loves"
"Mas maganda pa naman ako sa Camille na yan eh"
"Ang Ganda talaga ni Camille, sana akin nalang siya"
"Kung ako lang ang naunang nakakilala kay Camille baka kame na"
"Pero alam niyo ba ang balita na nakipagsex sa ibang babae yang si Edgar"
"Kalat kamo sa Twitter Ghurl"
"Oo nga eh"
"Balita ko nga din eh, pero sa tingin ko naman hindi totoo"
"True yan friend, baka gusto lang nilang siraan si Papa Edgar"
Yan ang mga nadidinig Kong bulungan ng mga junior at senior habang nag lalakad ako.
Ohh, mga ito naman nagagalit di sila na ang bagay Kay Edgar. Tyaka totoo yung nakipagsex siya, malanding tong lalaking to eh. Sarao ingudngod sa hubad na babae.
"Shhh. Wag mo na lang silang pakingan Camille, mga naninira lang yan sa akin at sa atin, maganda ka. You're perfect enough for me, insecure lang silang sayo" pag aalo in Edgar sa akin.
Simple lang naman ako at Hindi mayabang kaya yung mga taong bumabati sa akin at ngumingiti ay binabati ko din at nginingitian at yung mga bashers naman ay ignore lang.
Hindi ko na pinansin si Edgar at tahimik na lang kami ng umakyat papunta sa room.
Hanggang sa makarating na kame sa room at wala pa any terror prof naming na si Mr. Harold Laurel kaya nagpalsak muna ako ng headset sa tenga at plinay ang favorite song ko na BEAUTIFUL IN WHITE
Habang pinapakinggan ko ang music ay naalala ko si Papa, I miss him so much.
*Flashback
Chlea Aquino and Vincent Sanchez Wedding
Kasal ni Ate Chlea kay kuya Vincent, at tumugtog na nga ang Beautiful in White. Maraming nagsitayuan para magsayaw, niyaya naman ako ni Papa sumayaw. Nagsayaw kami sa harap ng maraming tao at habang nagsasayaw kame at nagtatawanan pa kaming dalawa dahil kinukwento niyang hindi marunong magsayaw si Mama.
I wish this song played in my wedding too. I love those lyrics and melody. it makes me smile and dance.
Sobrang saya ko ng gabing yun ng biglang may umalingawngaw na putok ng baril, sa takot ko ay napayakap ako kay Papa at bumagsak kame sa sahig. Nagulat ako ng basa ang likod ni Papa, nakita ko ang pulang likido sa aking kamay.
Dugo....
Dugo....
Dugo.....
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko ng may lumapit sa aming babaeng nakaitim nakita ko si Mama na nakahiga at wala ng malay, ang iba namang tao ay parang hostage na may nakatutok na baril. Kami lang ni papa ang nasa gitna at kasama ang babaeng nakaitim.
"Tapos na ang laro, Game Over" sabi nito sa amin.
"Hayop ka!!! Anong laro ang pinagsasasabi mo!" Galit kong sigaw dito. Dahan dahan naman itong lumapit sa akin at bumulong "The Bloody Dare"
"Bakit mo to ginagawa!!! Sino ka ba" humahagulgol kong iyak. Nanginginig na ako, natatakot ako, nagagalit ako, naiinis ako. "Dahil nilaro nila iyon ngunit hindi niya tinupad ang utos kaya kamatayan ang kapalit, at ngayon talaga ang oras para pagbayaran nya ang nangyari dahil sinabi ko na ito sa kaniya" bulong ulit nitong sagot.
"Wag kang mag-alala, nakatakda ring nangyari iyon sa iyo" dagdag nito. Nakarinig naman kami ng putok ng baril at nagsipasukan ang mga pulis at dinakip sila.
End of flashback
Hanggang ngayon, naaalala ko pa din iyon. Parang isang Horror-Thriller film lang. Naaalala ko pa din lahat ng nangyari. Ang mukha ng babaeng nakaitim. At pag baril sa papa ko. Lahat naaalala ko pa. Ikinulong sila ngunit nabalitaan nalang namin na nakatakas ang mga ito. Hanggang sa hindi na nila ito makita at sinasabing lumabas na ito ng bansa.
"Psst! Camille, andiyan na si Sir" pagtawag sa akin in kuya Jester, matanda siya sakin ng 2 taon kaya kinukuya ko siya.
"Okay" maikling sagot ko, Hindi na naman ako nito makakapag focus sa pag aaral. Samot daring problematic na ang nararamdaman ko, stress na ako lalo na kay Edgar at sa kung sinong babae lang ka sex niya ng araw na iyon.
-----------
Hope you like it!!!Vote ⭐and comment💬!
(Ella Again, into na young sinabi mong ilagay ko😘)
BINABASA MO ANG
DARK SIDE: The Bloody Dare
Mystery / ThrillerAng kwentong ito ay tungkol sa isang buong section. Sila ang gods and goddesses sa campus dahil sa section na ito punong puno ng mga nag gagandahan at nagwagwapuhang estudyante. Si Camille Esteron isa sa mga estudyante rito ang nagtataglay ng isang...