Dhana's POV
Hi, ako nga pala Dhana Alvarez.
Andito kame sa room nina Cristel at Joyce nagkwekwentuhan lang tungkol sa bakasyon, mga gagamitin namin at kung ano-ano dadalhin. Ayan lang naman pinag uusapan namin ng bigla kaming napatingin sa bumalagbag na pinto.
Lahat kame nagulat ng biglang dumating si Mark na nagmamadali. Tinawag nito ang mga kaklase naming boys at pumunta sila sa 4th Floor, nagsunudan naman lahat ng mga babae kaya sumunod nadin kame.
"Ano kayang meron sa 4th floor?" Tanong ni Joyce, napaisip naman ako. Sa 4th floor.... Bakit? Among nangyari? Sino na naman ang nakaramdam? Wala ng ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang mga tanong na ito. Ultimo si Cristel ay hindi din maka imik at nagkakatinginan na lamang kame.
Flashback
"Dhana samahan mo nga Ako, ihing ihi na ako talaga" nagpapaawang sabi ni Cristel, dahil best Friend ko siya ay hindi ko siya matangihan. Hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya tumango ako sa kanya. Papunta na kame ng banyo ng bigla naming nakasalubong ang utility ng school at sinabing sira daw ang banyo sa floor namin kaya sa taas na lang kame mag banyo, wala naman naming magawa kaya tumaas na lang kame. Nasa 2nd floor ang room namin kaya pumunta kame sa 3rd floor para mag C.R pero naka lock naman ngayon.
"Mamaya ka na kaya umihi" sabi ko rito, pagod na ako eh. Mabuti sana kung malapit lang, eh sa pag taas pa lang sa hagdan kakapagod na eh.
"Dhana naman. Sasabog na eh. Sa 4th floor na lang. Wala silang pasok ngayon at alam ko na hindi sila naglolock ng pinto ng CR" naiiyak nitong sabi, ihing-ihi na talaga to, kung hindi ko lang to Bestfriend.
"Osige na nga, nakaramdam din tuloy ako ng pagka ihi, ikaw kasi eh" napapaihi pa tuloy ako ng dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
DARK SIDE: The Bloody Dare
Mystery / ThrillerAng kwentong ito ay tungkol sa isang buong section. Sila ang gods and goddesses sa campus dahil sa section na ito punong puno ng mga nag gagandahan at nagwagwapuhang estudyante. Si Camille Esteron isa sa mga estudyante rito ang nagtataglay ng isang...