"Itinadhana pero hindi ipinagtagpo"
Oh...
"Ipinagtagpo pero hindi itinadhana"
Mga storyang nabasa nyo na.
Eh etong samin? Nabasa nyo na ba?
Iyung....
"Ipinagtagpo na Itinadhana pa."
Astig diba? Parang kape lang 2and1.
Kaso, paano mo ba malalaman na nakatakda na sya sayo?
Paano mo ba malalaman na kayo na talaga para sa isa't isa?
Paano mo malalaman na mahal ka talaga nya?
Paano mo malalaman na mahal mo talaga sya?
Sapat na ba iyong may care kayo sa isa't isa?
Iyong nalulutas nyo lahat ng problema?
Iyong may pangako kayo sa isa't isa?
At sapat na ba iyong napatunayan nyo lang?
Pwedeng oo pwedeng hindi, mahirap intindihin diba? Kaya paano nyo nakukuhang lumagay sa isang relasyon ng kakaunti pa lang ang nalalaman nyo? Pero paano ka naman lalagay sa relasyon kung wala ka pang nakakarelasyon at hindi mo pa alam ang gagawin mo?
Nakakabaliw diba, kaya para saan pang magmamahal ka kung iyan pa lang baliw kana?
Para saan pa kung dyan palang isip mo puno na?
Ako? Ayokong umibig ayoko talaga. Napakahirap umibig lalo na kung sa huli masasaktan ka. Mahirap na ring magtiwala napakahirap na. Hindi mo alam kung iyung mga taong nasa paligid mo ba mapagkakatiwalaan mo pa o hindi na.
Pero nabura lahat ng ayoko sa mundo mula nung makilala ko sya. Ang taong pinatibok ang puso ko. Taong nagsilbing puting daan sa itim na daanang dinadaanan ko. Taong nagsilbing gabay upang ako'y magbago. Magbago kung sino ako noon at muling binago kung ano ako ngayon. Itong tao na ring ito ang gumulo sa buhay ko. Sadya nyang ginulo upang sya daw ang mag aayos nito. Ngunit ng aayusin na nya'y naunahan sya ng ibang tao at sya'y nalimutan kong todo. At ang ending.... Basahin nyo na lang ang kwento at baka kayo'y ma ispoil ko ako pa ang sisihin nyo.
Dito ko nasabing totoo pala, totoo palang nasasaktan ka dahil 'yun ang nagsisilbing lakas mo dahil tuwing nasasaktan ka mas lumalakas ka at mas naiisip mo lahat ng dapat mong baguhin. Totoo din palang parte ng pagmamahal ang masktan para matuto ka. Totoo din pala ang salitang Meant To Be na kung saan kaming dalawa ay Ipinagtagpo na Itinadhana pa.
THANK YOU THANK YOU!
VOTE.COMMENT.SUPPORT.
READ.LIKE.SHARE.SAVE.
YOU ARE READING
Meant To Be |slow update|
Teen FictionThis story is all about fiction character's that contain's katatawanan, kadramahan, kaechosan, kalandian, kaetcheterahan that may 'cause abnormal mood swings that will make you iyak, tawa, kilig, galit, lungkot, inggit at the same time. ©All Rights...