CHAPTER 2- Heart Ache

29 0 0
                                    

Isang umagang kay ganda nanaman! :)

Ang aga ko dito sa tindahan ni kuya Nath, ganto pala yung feeling ng inspired no. Ganado sa lahat ng bagay.

"Uy tol, si miss beautiful oh" bulong nung isang lalaki sabay nguso papunta sa direction ko.

MyGosh, if im not mistaken, kasamahan to nung nanghingi sakin ng matamis na ngiti ah? hahaha. okay nag uumpisa nanaman akong mamula nararamdaman ko.

"hi miss, Joe nga pala. sorry nung nakaraan ah? hindi man lang ako nakapag pakilala sayo." sabay abot ng kamay nya sakin.

"ahh. eh ano e. Oh Sha-sham nga pala" utal utal kong sambit sakanya.

"Tara na Joe! Laro na tayo. 5v5 daw! sabi nila Marvs" napahinto sya nung nakita nyang magkahawak padin kami ng kamay.

uy Sham bitawan mona yung kamay nya, napag hahalataan kana!

"ay, ay sorry. sorry naman. hehe" sabay kamot sa ulo.

"ayokong mag laro ngayon, tambay nalang muna ako dito."

napahinto ang buong tropa nila ng sabihin nya yung mga salitang yun. sabay binatukan at hinawakan sya sa leeg.

"Uy Joe may sakit kaba? parang unang beses mong tumanggi ah? YOUVE CHANGED!"

sabay sabay naman silang nag hagalpakan. napangisi nalang ako.

"Sige na pass ako ngayon" medyo namula sya non ah.

makalipas ang ilang minuto hindi nila napilit si Joe sa pag dota sa halip tumambay lang sya don mag isa sa tapat ng tindahan ni Kuya Nathan.

"Uy kausapin mo naman ako Sham"

"Ay sorry, hehe sige sandali lang lalabas ako dyan" medyo nag ayos ako non at nag pabango.

nakaupo na kami sa may labas ng tindahan, may mahabang upuan kase dito.

"Sorry kung medyo nag fifeeling close ako ah?"

"Ah wala yun Joe, okay lang naman sakin e. Gusto ko rin naman kayo maging kaibigan dahil baka mag Finity University nadin ako. :)"

"Oh talagaa?" gulantang nyang realsyon.

"Ahh oo hehe" namula sya nung nakita nyang nagulat ako sa reaksyon nya.

"So anong kukunin mong course?"

"Mag Cicivil ako, kayo ba anong course nyo?"

"Mechanical" at biglang ngisi hanggang tainga.

"Oh cool pala no, parehas tayong engineering hehe."

"onga eh :)"

"oh baka magalit bf mo ah kinakausap kita dito, makita pa nya tayo."

"wala  naman akong boyfriend no, 2 years nadin, e ikaw ba?"

"ayy, kami mag 1 year palang hindi naman kami nag kakatext non, kapag trip lang ganun"

"nyek, buti nakakatagal kayo ng ganon? ang hirap nun ah"

"oo nasanay nalang din ako sakanya, ganon sya eh."

"ahh i see. kelan anniv nyo?"

"5 days nalang anniv na namin, pwede ko bang kunin number mo?"

"ah sure sige walang problema"

---

Nag palitan kami ng number kagabi, sabado ngayon kaya wala akong pasok sa burgeran.

Kagabi ko pa iniisip, siguro nga masyado lang akong nag assume sa pinakita nya.

Matamis Na Ngiti :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon