CHAPTER 3- I'll Catch You

3 0 0
                                    

FLASH BACK

"Sham, sa tingin mo ba kung ikaw si Angela babatiin mo ako ngayong birthday ko?"

"Ha? Kung ako sya? MALAMANG!! Boyfriend kita , aabangan ko pa birthday mo. Hahaha"

"Ahh."

"Bakit? May problema ba? Hindi ka pa ba binabati ni Angela?"

"Hindi pa e hehe" Sabay kamot nya sa ulo.

parang naawa naman ako bigla sakanya, aagawin kita don kapag hindi ka binati non haha joke.

"Ahh, malay mo naman humabol, anong oras palang naman e, 11:40pm hindi pa naman tapos birthday mo eh, babatiin ka non" sabay bigay ng ngiti sakanya.

Tinignan nya yung cellphone nya, abat ang daming nag tetext sakanya.

"Ang daming nag tetext at bumabati sakin pero kahit isa walang galing sakanya" napayuko nalang sya at parang nawalan na ng pag asa.

"Huy ano kabaaaa! Wag kang mawalan ng pag asa. Tsk. Mag tetext din yon! Chill ka lang dyan brad" tinapik ko sya sa balikat.

Humarap sya sakin, "salamat sham ah? Hayaan mo na, sanay nadin naman ako sakanya, sana mas maaga kitang nakilala"

"Hala? Adik kaba? Hahaha. Wag ka nga" lumingon ako sa ibang lugar para hindi nya mahalata ang pamumula ko.

"Sana ikaw nalang" 

okaaaaay, hindi ko na kinakaya to.

"Sige na Joe baka magising si nanay goodnight" wave.

Hindi ko na sya pinatapos mag salita dahil alam ko at any point of time pwede na akong pumutok sa kilig :"> 

"ay sige sham, salamat ulit goodnight"

at lumingon ako sakanya ng may ngiti sa aking mukha.

END OF FLASH BACK

Sakit ng ulo ko pag gising, hay. Hang over. 7:30 palang nagising na ako. Wala na nga pala akong trabaho doon dahil mag iinquire at mag eexam na ako sa Finity University.

Inquired.

Exam.

Enrolled.

May isang buwan pa para sa preparation ng 1st day. Nag tetext sakin si Joe pero hindi ko nirereplyan, natatakot akong mahulog sakanya. Alam kong may girlfriend sya. Si Marvs nakakatext ko bilang isang tropa.

From Marvs:

Uy Sham, shot tayo! :)

To Marvs:

Pass muna ako Marvs, not feeling well.

From Marvs:

Hala? San ka? Pwede ba kitang puntahan?

To Marvs:

Ha? Wag na. Pahinga lang ako.

From Marvs:

Sige na please? Hindi ko naman kasama si Joe e.

To Marvs:

Halaaa? Adik ka. Bahala ka dyan.

From Marvs:

Dito ko sa labas nyo, papasok na ako ah. Mabait naman si Nanay mo sakin e. :)

----

*knock*knock*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Matamis Na Ngiti :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon