Simula

1.1K 14 1
                                    


"Chase..."

"Bakit ka late? Anong nangyari sayo?! Bakit  puro pasa yang braso mo? SAGOT!" Napapikit ako sa pagsigaw nya. Nanginginig nanaman ako sa takot at kaba dahil alam kong galit sya sa mga oras na ito.

"Chase... Sorry, pinaglinis kasi ako ni Tita sa bahay dahil tinanggal nya na ang mga kasambahay sa bahay namin." Sabi ko at yumuko.

"Ipaliwanag mo yang pasa mo Rachel." Sabi nya at kitang-kita ang galit sa mukha nya.

"A-ano, Chase malelate na ako, pwedeng m-amaya ko na lang i-ipaliwanag?"  Sabi ko, nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

"Rachel, Ayusin mo muna ang explanation mo bago ka pumasok! Ngayon! Sabihin mo bakit ang daming pasa sa braso mo?!" Sigaw nya at tuluyan na akong napahikbi.

"Chase, Sinaktan ulit ako ni Tita Amanda..." Sabi ko at napahagugol, hinila naman nya ako at niyakap ng mahigpit.

"Damn! I'm going to kill that witch!" He said.

"Chase... Malelate na ako." Sabi ko at pinunasan ng mga luha sa pisngi ko.

"Wag ka na munang pumasok sa klase, ako ng bahala sa professor mo. Pumunta ka na sa office ko."

"Pero Chase..." Sinamaan nya ako ng tingin kaya tumango na lang ako.

"Tangina! Bakit kasi iniwanan ka ng tatay mo dyan sa babaeng yan!" Sabi nya at niyakap ulit ako.

"Wag kang magalit kay Tita Amanda." Sabi ko.

"Mahal na Mahal kita Rachel, Tandaan mo yan. Gagawin ko lahat para sayo." Bulong nya.

"Mahal na Mahal din kita Chase." Sabi ko at ginawaran nya naman ako ng isang mabilis halik.

TO BE CONTINUED

Secretly In A Relationship With The GangsterWhere stories live. Discover now