"Chase, papasok na lang kasi ako." Maktol ko at umupo sa sofa ng office nya."Makulit ka ba talaga Rachel Ramos? Dito ka lang sa office ko. Gagamutin ko muna yang mga pasa mo." Seryoso nyang sabi at kinuha ang mga gamit na panggamot sa mga pasa ko.
"Aray naman Chase masakit!" Napadaing ako sa sakit ng ipatong nya sa isa kong pasa ang bulak na may alcohol.
"Damn that witch! I'm going to kill that witch!" He said at ibinagsak ang alcohol sa center table.
"Chase..." I whispered.
"What?" Masungit nyang tanong.
"May pagkain ka ba dyan? Di kasi ako kumain kagabi eh." I said.
"Ano? Hindi ka ba pinakain ng tiyahin mo?" Tanong nya at nagsisimula nanaman syang magalit.
"Hindi ah! Tinamad lang kasi ako kumain." I lied.
"Suguraduhin mo lang yan Chel! Kung di malilintikan talaga sa akin yang tiyahin mong yan!" Sabi nya at nagtungo sa mini refregirator nya at kumuha ng lasagna. My Favorite!
"Ikaw ba gumawa nito?" Nakangiti kong tanong sa kanya at masungit naman syang tumango.
Nilapitan ko sya at niyakap patalikod. "Please, wag ka na magalit sa akin Chase." I said at ibinaon ang ulo sa likod nya.
Humarap naman sya sa akin at hinalikan ang noo ko."Hindi ako galit sayo! Galit ako sa tiyahin mo!" Sabi nya at niyakap ako ng sobrang higpit.
Ang totoo nyan ang alam ni Chase Tita ko si Mama, pero hindi nya alam na stepmother ko si Tita Amanda, ayaw kasi ni Tita na tinatawag ko syang mama. Nakakainis daw sa tenga.
"Wag ka na magalit sa kanya. Pagod lang yun sa trabaho." Sabi ko.
"Bakit ba ang bait-bait mo?" Tanong nya.
Ngumiti lang ako at bumitaw sa yakap, at dumiretso na ulit sa pagkain.
-
"Hi Chase!" Malanding saad ni Maggie Scott, ang pangatlo sa pinakamayamang estudyante dito sa Fuentes University.
"What do you need?" Chase ask.
"Kasi, iniimbitahan ka ni Daddy. Dinner mamaya sa bahay, celebration dahil buntis si Ate Nicole." She said at nakita kobg nag-puppy eyes ang bruha! Muka syang asong gala!
"Okay. I'll tell my mom. You may go." Sabi ni Chase.
"Oo nga pala, What is she doing here? Di ka ba nandidiri sa hampas lupang yan?" Maarteng saad ni Maggie at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Ano bang pakialam mo? Do i need your opinion. And for my information, hindi tayo close. So fuck off and leave us!" Seryosong saad ni Chase kaya naman nakita kong napahiya ang itsura ni Maggie.
"Okay, sorry masyado ka namang Hot!" Sabi ni Maggie at nginitian sya. Tiningnan muna ako ng bruha at iniripan bago umalis. Panget!
"Nakakainis yung asong yun! Feeling maganda! Mukha namang asong gala!" I said at inirapan si Chase.
"Nagseselos ba ang babaeng pinakamamahal ko?" Nakangising tanong ni Chase.
"Of Course Not! Alam ko namang ako lang eh." I said.
"Of Course. I Promise that Rachel Ramos will be my first and last love ti'll death do us part." Nakangiti nyang saad at ako naman di ko mapigilang mamula sa kanyang mga binitawang salita.
I'm Totally In love In This Gangster. I really do.
TO BE CONTINUED.
YOU ARE READING
Secretly In A Relationship With The Gangster
Teen FictionChase Fuentes & Rachel Ramos Story